Dahil sa sinimulan na naman ng ina ang pangangaral tungkol sa pagtitiis at kababaang loob, umalis si Placido, hindi na kumain ng kahit ano at tinungo ang daungang himpilan ng bapor. At pagkakita sa isang bapor na aalis patungong Hong Kong, nakaisip na magtanan, magpayaman doon upang labanan ang mga prayle
Ibig kong maging malaya, Mabuhay ng malaya!
Naipangako ko sa iyong ama na aarugain kita, patuturuang maging ganap na abogado, Ginawa ko ang lahat upang makapag-aral ka. Magtiis at magpakumbaba ka,
Ayaw ko na pong mag-aral, Wala naman akong mapapala sa pagiging abogado Tatalon na muna ako sa dagat o kaya'y manunulisan na muna ako bago bumalik sa unibersidad.
Nang makababa sa karwahe, iniwan nina Simoun at Placido ang daan at nagsuot sa palikaw-likaw na landas na nasa pagitan ng ilang bahay. Namangha si Placido nang makitang sanay na sanay maglakad doon ang mag-aalahas. Nakarating sila sa malawak na bakuran na may maliit na dampa na naliligid ng mga puno ng saging at puno ng bunga
Mabuti, maestro. Lumakad ka ngayong gabi at makipag-usap sa tenyente at kabo. Makikita ninyo sa Lamayan ang isang taong nasa bangka. Sabihin ninyo ang "Kabesa"at sasagot siya ng "Tales." Kailangang narito siya bukas.