“Ang tubig ay magiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging delubyo kung ang lahat ng maliliit at hiwa hiwalay na ilog ay nag-sama samang bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa hanging hinuhukay ng tao”.
Ang ilalim ng kubyerta ay kinabibilangan ng mga mahihirap. Ang mga nakasakay dito ay nagsisiksikan. Kabilang dito si Basilio ang mag-aaral ng medisina. Si Isagani na hindi palakibo at mag-aaral na nagtapos sa Ateneo. Si Padre Florentino na tiyuhin ni Isagani ay nakaupo sa hulihan ng bapor, isang paring Pilipino, kagalang-galang, at tahimik at mapagkumbaba.
Ang magkaibigang Basilio at Isagani ay nakipag-usap sa mayamang si Kap. Basilio na taga- San Diego. Isinusulong nila ang pagtatatag na Akademniya ng Wikang Kastila. Ayon kay Kapitan Basilio walang mararating ang kanilang panukala.. Maging si Simoun ay salungat din sa pagpupursige ng dalawang kabataan.
Ayon kay Isagani “Ang tubig ay magiging singaw kapag ito’y inapuyan. Ito’y magiging delubyo kung ang lahat ng maliliit at hiwa-hiwalay na ilog ay nag-sama-samang bumuhos dahilan sa udyok ng kasawian sa hanging hinuhukay ng tao”.
Ang layunin ni Simoun kaya niya dinala ang usapan tungkol sa mga alamat ay upangmalaman ang pinagmulan ng isang bagay at manumbalik sa alaala ng mga tao angnangyari sa nakaraan.
Si Kabesang Tales o Telesforo Juan De Dios ay pinili ng kanyang mga kanayon dahil sa kanyang kasipagan at pagiging mabuting tao. Ginamit ni Simoun si Kabesang Tales sa kanyang paghihiganti. Ginamit ni Simoun ang pagiging marahas at palaban nito upang himukin na ipaghiganti ang sariling pamilya . Di nagtagal ay sumanib din ang kanyang amang si Tandang Selo sa pagrerebelde sa mga Kastila partikular nasa mga prayle.