Si Andres Bonifacio an pinanganak sa Tondo, Maynila. Ipinanganaak siya noong Nobyembre 30 1863. Siya ang panganay sa anim na magkakapatid.
Hindi nag aral si Andres Bonifacio dahil maagang pumanaw ang kanyang mga magulang. Dalawa naman ang kanyang naging asawa. Ang una ay si Monica Palomar na pumanaw dahil sa sakit na ketong.
Sumunod dito ay si Gregoria de Jesus. Nabiyayayan sila ng isang anak na lalaki ngunit ito ay namatay din dahil sa sakit na bulutong.
Noong Hulyo 7, 1892 itinatag ni Bonifacio ang KKK. Ito ay isang lihim na organisasyon ng mga katipunero na ang mithiin ay makamit ang kalayaan sa pamamagitan ng pakikidigma sa mga mananakop na mga Kastila.
Sa paglipas ng panahon ay nakilala ang katipunan sa Luzon, sa isla ng Panay, Visayas hanggang sa Mindanao. Marami ang umanib at sumama sa kanilang organisasyon. Mayroong mga miyembrong mahihirap at mayroon ring mga prominenteng tao at mga may-kaya sa buhay.
Dahil dito, nabuo ang grupo ng mga Magdalo at ang Magdiwang. Nag-umpisa na ang sigalot at hindi pagkakaunawaan sa lider ng dalawang grupo. Ang Magdalo ay kinabibilangan ng mga may kaya at mayayaman na mga kasapi ng katipunan. Ito ay pinamumunuan ni Emilio Aguinaldo. Ang Magdiwang naman ay grupo ng mga mahihirap at hindi nakapagtapos ng kanilang pag-aaral. Pinamunuan naman ito ni Mariano Alvarez.
Nagkaroon ng halalan ang unang republika ng Pilipinas at si Emilio Aguinaldo ang nahalal bilang pangulo. Si Andres naman ang taga-liham. Naging sunod-sunuran na lamang sina Andres kay Aguinaldo. Dahil dito ay ginamit ni Bonifacio ang kanyang kapangyarihan bilang supremo ng katipunan para ipawalang bisa ang halalan.
Ipinaaresto ni Emilio Aguinaldo si Andres Bonifacio sa salang sedisyon, at pagtataksil sa bagong republika ng Pilipinas. Inakusahan din siya ng pagsunog sa simbahan ng Indang sa Cavite.
Nilitis ang kaso ni Andres Bonifacio sa isang korte militar at siya ay nahatulan ng kamatayan kasama ng kanyang kapatid.
May 10,1897 binaril si Andres Bonifacio at ang kanyang kapatid na si Procopio Bonifacio sa budok ng Buntis sa may Maragondon Cavite.