Patuloy na naglakbay pakanluran ang ekspedisyun ni Magellan upang mahanap ang isla ng Moluccas. Pagkaraan ng sampung araw, natanaw nila ang pulo ng Samar at sila ang unang Europeo na naitalang nakarating sa Pilipinas.
Marso 16, 1521
Dumating sina Magellan sa arkipelago ni San Lazaro o Islas de San Lazaro (katawagan na ibinigay ni Magellan sa Pilipinas). Dahil hindi pa batid ng mga Espanyol na sila ay dumaan sa International Date Line, ang petsa ay dinagadagan ng isang araw at ginawang Marso 17.
Isinagawa ang pagbibinyag sa mga katutubo ng Cebu.Binigyan ng regalo ni Magellan si Rajah Humabon at ang kaniyang asawa na si Hara Amihan ng Santo Ninio.
Abril 14, 1521
Ang hari ng Cebu na si Rajah Humabon at ang kanyang reyna ay binautismuhang Katoliko na kumukuha ng mga pangalang Carlos bilang parangal kay Haring Carlos ng Espanya at Juana bilang parangal sa ina ni Carlos.
Ang natira pang mga Kastila sa kapuluan ay nagkaroon ng alitan, kabilang na ang pagtatalo ni Raha Humabon at ng mga Kastila hinggil sa kababaihan. Sa isang pag-aaway, napaslang ng mga Cebuano ang 27 mga Kastila. Nilisan ng mga Kastila ang Cebu upang ipagpatuloy ang kanilang paglalakbay. Nakabalik sa Espanya ang barkong Victoria (isang barko lamang na may nalalabing 18 mga tauhan) pagkaraan ng tatlong mga taon.
WAKAS
Ang karamihan sa mga hepeng ito ay sumunod dito ngunit si Datu Lapu-Lapu na isa sa mga pangunahing hepe sa loob ng isla ng Mactan ang tanging tumutol.