Oo Mare. Onga pala ito na yung utang ko noong nakaraang araw, Salamat ha?
Wala iyon Mare. Pero ayus lang kung hindi ka muna magbayad, alam naman natin na my pandemya ngayon.
Oh Mare, nandito ka pala, mamimili ka rin ba?
Mabuti iyon Mare. Ako rin nga eh, may listahan ako ng mga dapat bilhin, Ang hirap na sa panahon ngayon, kailangan nating maging mahigpit sa pag-badyet. Oh sige na Mare, mamimili lang ako doon, alam mo na dapat may social distancing tayo.
Ayus lang Mare, mahirap may utang. At may sinusundan naman akong badyet sa pamimili.
Ayos na ito, maganda ang kwaliti, maaari itong pamalit sa binili ko noong nakaraang buwan. Mas mura ito kumpara doon sa isa. Kahit paano nakatipid pa ako.
Sinuring mabuti ni Nanay Becha ang alkohol, ang presyo nito, pangalan at pagkakagawa.
Naku! Kailangan ko palang bumili ng alkohol. Wala na nga pala sa bahay. Hala, walang stocks yung alkohol na binibili ko dati, teka, baka ito pwede na..
Saan na nga ba ako kanina? Teka matignan nga ang aking listahan: tsek, tsek, tsek... Naku kumpleto na pala ang mga pinamili ko. Ayos na ito, ang mahalaga nasunod ang aking badyet at listahan. Nabili ko lahat ang mga mahalagang bagay para sa bahay .
Ano nga ba kasi ang pinapabili ni Jeng-Jeng? Aha! Shampoo nga pala, ung kulay (lila) na Sunsilk. Dadag-dagan ko na ang mga ito sapagkat ito naman ang gustong ginagamit sa bahay. Teka, kailangan ko nga palang bumili nang... Asaan na nga ba ung listahan ko?
Oh Mare. Naku nakabili ka na ba ng alkohol? (hinihingal habang nagsa-salita)
Naku Mare, dinagsa nanaman ng mga tao ang alkohol. Alam mo na, minsan kasi walang stocks at madaling maubos ang mga ito. Pati nga face shield , dinagsa rin kahapon dahil kailangan na rin itong isuot ngayon.
Oo Mare, nakabili na ako, dalawang bote. Bakit Mare? Mukhang hinihingal ka?
Mga tao nga naman, kaya pala medyo dumami ang mga tao.
Osige Mare, mauna na ako sa kahera. Magbabayad na ako. Ingat ka Mare.