Ang walong taong gulang na bata ay humihiling sa kanyang ama na ibili siya ng guryon. Ngunit sa halip ay binilhan sya ng papel at kawayan at tinuruang gumawa gumawa ng saranggola
Kinakantyawan ako ng mga taga bukid Tay, Bakit daw ang liit ng saranggola ko e anak daw ako ng may-ari ng estasyon ng gasolinahan sa bayan!
Anak, kailangan mong pag-aralan kung papaano magpalipad ng saranggola na napakataas.
Nang tumungtong sa edad na katorse anyos ang bata, may iba na syang hiling. Ito ay maraming sapatos, malaking baon, damit, at pagsama sama sa barkada. Hindi naunawaan ng bata ang kanyang ama kaya nagkaroon sya ng hinanakit dito.
Pinapahirapan talaga ako ni Itay, nanay. Na para bang ang turing niya saakin ay.. ampon.
Anak, hindi totoo yang mga sinasabi mo. Nais niyang maging magaling at mahusay kang inhinyero.
Anak, hindi dapat sobra sobra ang luho ng isang ktorse anyos na tulad mo. Mahirap kumita ng pera, matuto kang magtipid.
Ayoko nang magaral nay, tipid, pagtitiis, kahihiyan lamang ang dinaranas ko rito. Bakit ganoon ang trato sakin ni Itay? Nais niya ba akong pahirapan?
Nang tumungtong sa gulang na labingwalo ang bata, napagkaisahan ng kaniyang mga barkada na kumuha ng commerce. Ngunit hindi pumayag ang Ama nito. Dahil roon ay napilitang siyang tumiwalag sa kanyang barkada upang magaral ng inhenyero. Magisa siyang nagaral sa lungsod. At ngayong malaki na sya, hindi na hinanakit ang nararmdaman niya kundi ay paghihimagsik
Maniwala ka sa amin anak, Lahat ng aming ginagawa ay para sa ikabubuti mo sa iyong hinaharap.