Gumising ng Madaling araw si Ka-Albina at kanyang sinama ang kanyang pamakin na si Pilang at ang kanyang dalagang anak na si Nati upang pumunta sa Tubigan
Habang sila ay nasa bukid, si Pastor ay nagpipilit na tulungan si Pilang. Binigyan ni Pilang ng kape si Pastor At sinamantala ito ng binata upang sapuhan ang kamay ng dalaga. ito pala ay dahil may gusto si Pastor Kay Pilang. Nakita din ito ni Ore dahil may gusto din siya kay Pilang
Masayang nag aararo sa bukid ang dalawang binata. Naging paligsahan ang pagaararo ng dalawang binata kung sino ang mas magaling sa kanilang mag arararo
Pinakita ng dalawa ang gilas at lakas nila sa pagbubungkal ng lupa. Mas nakalamang si Pastor dahil sa mas malakas ang kalabaw nito at kinalaunan ay nalamangan niya si Ore dahil nanghihina na ang kalabaw niya
Magkasama si Nati at si Pilang Habang katabi naman ni Pilang si Pastor na kumakain. Si ore naman ay nasa kabila at nakaupo lamang ilang hakbang mula kila Pilang
Nilapitan ni Pilang si Ore at inabutan ng pagkain. nagpapahiwatig ito na siya ang nanalo sa pag ibig ni Pilang kahit siya ay natalo sa paligsahan nilang dalawa ni Pastor