Search

Carlos P. Garcia

Copy this Storyboard
Carlos P. Garcia
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Kailangan kong manaliksik tungkol sa kuwento ni Carlos P. Garcia para sa takdang-aralin ko..
  • Si Carlos P. Garcia ang ikawalong pangulo ng Pilipinas at ikaapat napangulo ng Ikatlong Republika ng Pilipinas. Ang kanyang programa aynakabatay sa tatlong priyoridad--Pilipino Muna (Filipino First Policy),Pagtitipid (Austerity Program), at Pagpapasigla ng Kultura (Cultural Revival).Pinakanatatangi sa mga nagawa ni Pangulong Garcia ang kanyangprogramang "Pilipino Muna." Layunin ng programang ito na maging malaya ang ekonomiya ng Pilipinas sa kontrol ng mga dayuhang bansa tulad ngUnited States. Sa ilalim ng programang ito, binigyan ng pamahalaan ng tulong ang mga lokalna mamumuhunan. (pinatupad din ni Pangulong Garcia ang Filipino Retailers' Act na nagbigayng tulong sa mga maliliit na negosyo.
  • Sa Austerity Program, ginanyak ang mga taong angkilikin ang mga sariling produkto ng bansa. Nagkaroon din ng kontrol sa pagbili ng mga imported na produkto. Nanawagan si Pangulong Garcia sa mga Pilipino na magtipid sa lahat ng bagay. Sa panahon ng pamumuno ni Pangulong Garcia, pinagtuonan niya ng pansin ang paglinang sa kulturang Pilipino. Itinaguyod niya ang pagpapadala ng mga kinatawan sa mga pandaigdigang pulong, maging ang pagtungo sa iba't ibang bansa ng mga pangkat pangkultura, tulad ng mga mananayaw ng Bayanihan Dance Troupe. Inilunsad niya ang taunang RepublicCultural Heritage Awards para bigyan ng parangal ang mga natatanging kontribusyon ng mga artista, historyador, manunulat, at siyentista. Ipinag-utos din niya ang pagtipon ng mga sulat ni Jose Rizal sa pamamagitan ng paglikha ng komisyon para dito. Ito ang Jose Rizal Centennial Commission upang mangasiwa sa pagdiriwang ng First Centenary of the National Hero of the Philippines noong Hunyo 19, 1971
  • Sa paraan ng ugnayang panlabas, binuksan niya ang relasyong pandiplomatiko atpangkalakalan ng Pilipinas sa ibang bansa sa Asia at sa ibang rehiyon sa daigdig. Naniniwala ang kanyang administrasyon na hindi makabubuti sa bansa ang pagkakaroon ng pakikipag-ugnayan sa United States lamang. Inilatag ni Pangulong Garcia ang kanyang patakaran batay sa sumusunod na mga programa: (1)pantay at sabay na pagpapaunlad sa kabuhayang pambansa sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng agrikultura at industriya;(2) pagtataguyod at pagpapaunlad a katarungang panlipunan atpangkalahatang Kapakanan ng masa; at (3)pagsugpo ng mga katiwalian sa pamahalaan. Sa pambansang halalan noong 1961, tinalo siya ni Diosdado P. Macapagal.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family