Hays, nais ko na bumili ng bagong laptop para sa gagamitin sa aking online class sapagkat ang aking kasalukuyang ginagamit na laptop ay luma na at mahirap pindutin ngunit nais ko din bumili ng mga libro na aking ninanais
Ang aking pera na gagamitin ay ang ibinigay sa akin ng aking mga Tita ngunit hindi ko alam ang aking bibilhin
Bibilin ko kaya itong laptop? Nais ko din talaga mabili ang libro na matagal ko na din pinag iipunan sapagkat ito ay mahal
Kakausapin ko si mommy tungkol dito
Ang hirap po magdesisyon mommy. Ang libro din po na iyon ay talagang gusto ko ngunit ang laptop po ang aking mas magagamit
Mommy nais ko po sana bumili ng bagong laptop dahil nahihirapan na po ako sa aking lumang laptop ngunit magagastos ko ang perang inipon ko para sa libro na aking gusto
Sige po mommy, salamat po!
Anak para sa akin ay piliin mo ang mas magagamit mo sa dalawa. Ang laptop ba o ang libro?
Mas magandang pag isipan mo itong mabuti ha. Teka, may kukuhanin lang ako. Balitaan mo ako sa magiging desisyon mo.
Ano nga ba ang mas magagamit ko? Sa tingin ko ay ang laptop, mas magagamit ko ito sa aking pag aaral kaysa sa libro na aking binabasa. Mag iipon na lamang ako muli upang mabili ang librong ito.
Tama! Ang laptop na nga ang aking napili na bilhin. Sasabihin ko na ito kay mommy para kami ay makabili na! Excited na ako!
Masaya din ako sa naging desisyon mo anak, mas makakag aral ka pang mabuti at natutuwa ako don
Mommy tama nga po ang aking naging desisyon, mas makakatulong po ito sa akin at magagamit ko pa ito sa mga mahahalagang bagay!
Ang saya saya ko po dahil may bago na po akong laptop kaya hindi na po ako mahihirapan sa luma kong laptop dahil mahirap na po itong pindutin