Nagkamali kaya ako sa lahat ng ipnagtapat ko?Gusto rin kaya niyang maghiganti? Hindi kaya sa tagal ng kaniyang pagdaramdam ay lumambot na ang kaniyang kalooban? Naniniwala pa rin ako na ang sinumang may karapatang mabuhay nang marangal ay dapat na handang mag-alay ng sarili sa ngalan ng katarungan.
Maaaring kakaiba nag pamamaraan ko sa paglutas sa mga problema ng lipunan, subalit higit itong mabilis kaysa naiisip ng mga titingin-tingin lamang.