Kahalagahan ng Wika
Updated: 7/7/2020
Kahalagahan ng Wika
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Magandang araw sa inyong lahat! Ihanda ang inyong mga aklat sa Noli Me Tangere at ipagpatuloy ang pagbabasa nito. Magkakaroon tayo ng talakayan pagkatapos ng tatlumpung minuto kaya basahin nang mabuti ang bawat kabanata.
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Opo, Ma'am!
  • Pagkatapos ng sampung minuto....
  • Ma'am, pwede po bang mag-search ng english translation nito para mas maintindihan ko nang mabuti? 'Di ko po kasi masyadong naiintindihan ang mga malalalim na salita sa Filipino, eh!
  • Ang hirap naman basahin nito!
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Ipapaalala ko lang sa inyo na tayo ay nasa asignaturang Filipino, kaya ang wikang Filipino ang ating gagamitin bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. Bakit mas pinipili niyong gamitin at tangkilikin ang mga wikang banyaga kaysa sa sariling atin?
  • Oo nga....
  • Hindi naman po sa ganoon, Ma'am. Hindi lang po talaga namin makita ang kahalagahan ng wikang Filipino, eh, mas madali namang intindihin kapag Ingles ang binabasa namin.
  • Naku, madami ka pang dapat matutunan hinggil sa ating wika. Kung sakaling hindi mo pa alam, ang wika ay isang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan. Naiiba tayo sa ibang mga bansa dahil mayroon tayong maipagmamalaking sarili nating wika, at ang wikang ito ang nagbubuklod sa mga miyembro ng lipunan na nagiging daan tungo sa kaunlaran ng buong bansa kaya dapat lamang natin itong matutunan at bigyang-halaga. Naiintindihan niyo ba?
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Opo, Ma'am.
  • Simula ngayon, sisikapin kong pag-aralan nang mabuti ang ating wika. Maraming salamat po!
  • Maraming salamat po!
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family