Kahalagahan ng Wika
Updated: 7/9/2020
Kahalagahan ng Wika
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Para sa gawain ngayong araw sa asignaturang Filipino, inatasan ni Bb. Pacifico ang kanyang mga mag-aaral na basahin ang tanyag na likha ni Gat Jose Rizal, ang Noli Me Tangere.
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Magandang umaga! Ihanda ang inyong mga aklat sa Noli Me Tangere at ipagpatuloy ang pagbabasa nito. Magkakaroon tayo ng talakayan pagkatapos ng tatlumpung minuto kaya siguraduhing magbasa nang mabuti.
  • Opo, Ma'am!
  • Pagkatapos ng sampung minuto....
  • Ang hirap namang basahin nito!
  • Ma'am, pwede po bang mag-search ng English translation nito para mas maintindihan ko nang mabuti? 'Di ko po kasi masyadong naiintindihan ang mga malalalim na salita sa Filipino, eh!
  • Bahagyang nagulat si Bb. Pacifico sa sinabi ng mag-aaral. Hindi niya inaasahang mas pipiliin niyang gumamit ng Ingles kaysa sa Filipino sa mismong asignatura niya.
  • Ipapaalala ko lang sa inyo na tayo ay nasa asignaturang Filipino, kaya ang wikang Filipino ang ating gagamitin bilang pangunahing midyum ng komunikasyon. Bakit mas pinipili niyong gamitin at tangkilikin ang mga wikang banyaga kaysa sa sariling atin?
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Oo nga....
  • Hindi naman po sa ganoon, Ma'am. Hindi lang po talaga namin makita ang kahalagahan ng wikang Filipino, eh, mas madali namang intindihin kapag Ingles ang binabasa namin.
  • Tumatak sa kanyang isipan ang sinabi ng mag-aaral. Kaya naman, sa araw na iyon, pinili niyang ipagpaliban muna ang diskusyon tungkol sa Noli Me Tangere at sa halip ay tinalakay niya ang kahalagahan ng wika upang sila ay maliwanagan.
  • Naku, madami ka pang dapat matutunan hinggil sa ating wika. Kung sakaling hindi mo pa alam, ang wika ay isang malaking bahagi ng ating pagkakakilanlan. Naiiba tayo sa ibang mga bansa dahil mayroon tayong maipagmamalaking sarili nating wika, at ang wikang ito ang nagbubuklod sa mga miyembro ng lipunan na nagiging daan tungo sa kaunlaran ng buong bansa kaya dapat lamang natin itong matutunan at bigyang-halaga. Naiintindihan niyo ba?
  • IKAAPAT NA MARKAHANNOLI ME TANGERE
  • Ako rin po, Ma'am!
  • Simula ngayon, sisikapin ko na pong pag-aralan nang mabuti ang ating wika. Maraming salamat po!
  • Maraming salamat po!
  • WAKAS
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family