ANG KUWINTAS (KARUGTONG)

ANG KUWINTAS (KARUGTONG)
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Nang malaman ni Matilde ang tungkol sa kuwintas na imitasyon lamang ay tila ba binuhusan siya ng malamig na tubig. Hindi siya makapaniwala sa tinuran ng kanyang kaibigan. Ni hindi siya agad nakapagsalita.
  • Napaiyak si Matilde nang unti-unting mapagtanto niya ang pahayag ni Madame Forestier. Hindi na niya napigilang mapaluhod at mapahagulgol dahil dito.
  • Tinulungan ni Madame Forestier si Matilde tumayo at niyaya niya ito sa kanyang tahanan para sila'y mag-usap at nang maliwanagan din siya sa mga kaganapan sa buhay ng kaibigang si Matilde.
  • Hindi pa rin naaalis ang pagkalumbay ni Matilde. Maaliwalas naman ang mukha ni Madame Forestier ngunit kahit siya rin ay binabagabag ng naging reaksyon ng kaibigan. Ikinukubli niya lamang ang lungkot. Sa kabilang banda, hinayaan muna ni Jeanne na maglaro ang anak.
  • Isinalaysay ni Matilde ang hirap na kaniyang dinanas para mapalitan ang naiwalang kuwintas. Nalungkot ang kaibigan niya rito at humingi ng tawad sa naging asal niya noon. Ganoon din ang ginawa ni M. Loisel. Nagkaayos silang dalawa at ninais na tulungan ni Jeanne Forestier ang kaibigan ngunit tumanggi ito. 
  • Sapat na ang kapatawaran at pagkakaayos nilang dalawa para kay Matilde. Mas maraming mahahalagang bagay siyang natutunan sa buhay na lubos niyang ipagpapasalamat. Ang paghahangad ng mga bagay na sobra ay mauuwi sa mas mabibigat na suliranin kung kaya't mabuting makuntento na lang at magpasalamat. 
More Storyboards By aira_ellaine
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store