Bakonawa

Bakonawa
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

bakonawa

Storyboard Text

  • Si Bakonawa, ang katunggaliang Diyos ni Bathala, aya nasa anyong higanteng sawa na naninirahan sa ilalim ng karagatan.
  • Siya ay mayroong kapatid na babaeng nasa anyo ng isang higanteng pawikan. Madalas bumisita ang Pawikan sa isang isla kung saan ito nangingitlog.
  • Upang maprotektahan ang kanilang isla, pinatay ng mga mamamayan ang higanteng Pawikan.
  • Napansin ng mga naninirahan sa nasabing isla na sa tuwing nangingitlog ang Pawikan ay sinusundan ito ng tubig ng dagat.
  • Kung ito'y magpapatuloy, maaaring tuluyan nang lumubog ang ating isla
  • Tama ka, kailangan natin paslangin ang higanteng Pawikan!
  • Nalaman ni Bakonawa ang nangyari sa kaniyang kapatid. Napuno ng galit ang higanteng sawa, umahon siya mula sa karagatan at nilamon ang buwan bilang paghihiganti niya sa mga taong pumatay sa kaniyang kapatid.
  • Humingi ng tulong ang mga tao kay Bathala upang parusahan si Bakonawa ngunit tumanggi si Bathala sa pagpaparusa sa higanteng ahas. Ngunit sinabi ni Bathala sa mga tao na ingay lamang ng tao ang makakapigil sa higanteng ahas.
  • Tanging ingay lamang ng tao ang maaaring makapigil kay Bakonawa.
  • Sumunod ang mga tao sa sinabi ni Bathala. Lumikha sila ng malakas na ingay. Dulot ng ingay na ginawa ng mga tao, iniluwa ni Bakonawa ang buwan.
  • Bumalik si Bakonawa sa ilalim ng dagat at di na muling nakita ng kahit na sino man.
More Storyboards By alecksdy
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art