ang alamat ng pilipinas

ang alamat ng pilipinas
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Noong unang panahon, may isang datu na may tatlong magandang anak na babae.
  • Noong pitong taong gulang pa lamang ang bunso, namatay ang kanilang reyna.
  • Pagkalipas ng ilang buwan ay nag asawa muli ang datu. Subalit nalungkpot ang mga prinsesa dahil ang kanilanh madrasta ang pinakaimbing babae sa balat ng lupa.
  • Sa halip na ituring silang tunay na anak ay ginawa silang abay ng bagong reyna. Ibig nilang mag sumbong sa kanilang amang datu ngunit ayaw nilang masaktan ang damdamin nito. Nagpatuloy ang pagmamalupit ng kanilang madrasta hanggang hindi na makayanan ng mga prinsesa ang sakit at kahihiyan. Nagpasya ang tatlo na tumakas......
  • Isang gabi sa tulong ng ilang mapapagkatiwalaang kawal ay nakalabas ng palasyo ang magkakapatid. Sumakay sila sa isang kumpit at naglakbay sa kalaliman ng gabi. Payapa silang tinanglawan ng buwan sa kanilanh paglalakbay. Tunog lamang ng pagsasagwan ang maririnig sa buong karagatan. 
  • Ngunit hindi ito nakalampas sa malupit na madrasta. Ang pagtakas ng tatlo ay nangangahulugang pagkabigo ng balak niyang patayin ang mga prinsesa at mapasakamay niya ang buong kaharian.
Explore Our Articles and Examples

Business Resources

All Business ArticlesBusiness Templates

Film Resources

Film ResourcesVideo Marketing

Illustrated Guides

BusinessEducation
Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store