Filipino Storyboard

Filipino Storyboard

Storyboard Text

  • Isang araw, naabutan ni Emma na nagtatalo ang kaniyang mga magulang.
  • Naubos nga! Hindi ko alam kung san na napunta!
  • Saan mo ginamit ang pera? Wala na tayong pambili!
  • Naging madalas ang pagtatalo ng kaniyang mga magulang kung kaya't naging matamlay at malungkutin siya.
  • Nang pumasok si Emma sa paaralan, nakatagpo niya ang kaniyang mga kaibigan ngunit hindi niya napansin ang kanilang pagbati.
  • Magandang Umaga Emma!
  • Niyaya ng kaniyang mga kaibigan si Emma na sumamang pumasyal subalit siya ay tumanggi sa 'di malamang dahilan.
  • Emma, pasyal tayo pagkatapos ng klase!
  • Oo nga! Sama ka Emma!
  • Hindi muna ako sasama, kayo na muna.
  • Napapansin niyo bang nagiging tahimik at mailap na si Emma nitong mga nakaraang araw?
  • Kaya nga. Kailangan natin siyang kausapin baka may problema siyang dinadala.
  • Kausapin natin siya bukas.
  • Kinabukasan, napagpasiyahan ng magkaibigan na lumapit at tanungin si Emma kung may problema siya.
  • Madalas ka na ring mapag-isa at 'di ka na rin lumalapit. Pwede mo naman kaming sabihan.
  • Emma, may problema ka ba? Napapansin naming tumatahimik at mailap ka na nitong mga nakaraan.
Over 25 Million Storyboards Created
Storyboard That Family