Ano kaya ang nangyari sa mga isda? Bakit bigla sila nawala.
May Isang Sirena ang nag aalaga sa karagatan na nagngangalang Alona. Si Alona ay mabait na sirena kaya kasundo niya ang mga nilalang sa karagatan.
Hayaan niyong tulungan ko kayo.
Samantala may mga taong naninirahan sa isang isla kung saan malapit si Alona, Dahil nga sa Isla sila naninirahan ang kanilang pangunahing hanap buhay ay ang pangingisda.
May mag-amang mangingisda sa isla at sila lang ang ntatanging mangingisda sa lugar.Nitong mga nakaraang Araw ay hirap na sila makahuli dahil parang nawala bigla ang mga isda, Nalungkot sila dahil kung wala silang mahuhuli ay wala silang makakain at maititinda.
Narinig ni Alona ang usapan ng mag-ama kaya't ito ay kanyang tinulungan. Natuwa ang mag-ama dahil nagsitalunan sa kanilang bangka ang mga isda na pawang ito ay nagkukusang loob na pumunta sa kanila.
Bumalik ang mag-ama na abot tainga ang mga ngiti.Dahil sa kanilang dalang mga isda ay tuwang tuwa ang mga tao sa isla. Dahil sa daming isda ay nalampasan nila ang panahon na madalang ang mga isda.
Ngayon na bumalik na ang mga isda ay malaya na silang mangisda muli.