Questions About Remote Learning? Click Here

Alamat ng Sipilyo
Updated: 9/10/2020
Alamat ng Sipilyo
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Description

Isang araw may isang babae na nangangalang Rianne mahilig siya magsinig o art. Si Rianne ay nakatira sa isang mahirap na pamayanan ang kaniyang magulang ay isang magsasaka lamang at walang makasama si Rianne sa kaniyang bahay araw-araw dahil sa paghihirap sa trabaho ng kaniyang magulang, hindi rin maiwasan ni Rianne na maging malungkot sapagkat siya ay laging mag-isa lamang sa kanilang bahay niya. Isang araw umuwi ang magulang ni Rianne sa bahay at ngiti ang nasakanilang mga muka. “Anak, may surpresa kami ng ina mo saiyo” sabi ng tatay nito “Oo anak, alam naming dito ay matutuwa ka sa aming surpresa” ngiting sabi naman ng kaniyang ina “Talaga po? Ano po iyon?” tuwa ang nasa labi ni Rianne, nagtiginan ang mag-asawa at sinabi “Binilhan ka naming ng tiket para makita mo ang museyo” “Talaga po? Nakakatuwa naman po iyon, kasama po ba kayo?” tanong ni Rianne, “Pasensya na anak, masyadong mahal ang tiket at isa lang ang aming nabili ito ay inipon namin para sa iyo” lungkot na sabi ng kaniya tatay, “Ganun ho ba? Sige po pupunta po ako sa museyo upang hindi masayang ang tiket na pinaghirapan ninyo’’ masayang bati ni Rianne. ‘’Sige anak, matulog ka na dahil maaga ang pagpunta mo sa museyo’’ sabi ng ina nito “Sige po! Maraming salamat po ulet” niyakap ni Rianne ang kaniyang magulang at pumunta sa kwarto upang matulog. Kinaumagahan ay nagising si Rianne ng maaga. Sa kaniyang kagalakan siya ay nagbihis ng maayos upang makapag-handa para sa pagpunta niya sa museyo. “Ina! Tay! Aalis na po ako!” banggit ni Rianne ‘’Magingat ka anak!” Masayang sabi ng kaniyang magulang at doon ay tumakbo si Rianne upang makakuha ng masasakyanan papunta sa museyo.

Storyboard Text

  • Sinabi ng magulang ni Rianne ang surpresa nila
  • Rianne anak, may surpresa kami sayo ng ina mo!
  • Talaga po? Ano po iyon?
  • Binilhan ka namin ng isang tiket papunta sa museyo!
  • Sa galak ni Rianne siya ay nagsabi sa kaniyang magulang na siya ay matutulog na
  • Sige po matutulog na po ako ng maaga para magising ako bukas! Salamat po
  • Kinaumagahan ay umalis na si Rianne papunta sa museyo
  • Paalam nanay at tatay!
  • Mag-ingat ka anak!
  • Ang unang nakita ni Rianne ay ang maraming tao sa museo
  • Ito po ang aking tiket
  • Nang siya ay nakapasok tuwa ang nararamdaman niya dahil sa napakaganda na sining sa kanyang kapaligirihan na siya ay nakabangga
  • Ito ang pinaka-magandang damit na binigay saakin ng magulang ko.
  • Nang nabangga niya ay babaeng kasing-edad niya ay siya ay nanghingi ng tawad
  • Napaka pangit naman ng iyong damit mukang pang pulubi.
  • Patawad hindi ko sinasadyang banggain ka
  • Tumingin ka kasi sa iyong mga dinadaanan
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family