Search

CAROUSEL

Copy this Storyboard
CAROUSEL
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • Matapos ang nangyari, pinagpahinga muna ng ama ang pagsakay ng kaniyang anak sa carousel. Napansin ng ama na bakas sa mukha ng anak ang pagod kaya naman inutusan niya itong bumili ng makakain kahit na sabik pa rin ang anak sa pagsakay sa mga rides.
  • Nakita mo na ang nangyari? Muntik nang malaglag ang anak natin dahil wala kang tigil sa pagpuna ng aking mga pagkukulang at pagkakamali!
  • Sandali nga, tama ba ang aking narinig? Sinisisi mo ako sa nangyari? Natakot din ako, anak natin iyon!
  • Sabagay, dyan ka naman magaling sa palaging pagsisi mo sa akin. Hindi mo naiisip na nasasaktan mo na rin ako sa mga aksyon na ginagawa at salitang sinasabi mo. Ikaw pa ba ang lalaking minahal ko? Ha?!
  • Makalipas ang ilang sandali, dumating na ang kanilang anak na mayroong bitbit na pagkain. Tila tulala pa rin at napaisip ang nanay sa tinuran ng kaniyang asawa. At walang pag-aalinlangan namang umalis ang tatay dahil sa nagawa niya at upang makapag isip-isip din.
  • Mahal din kita, Nay!
  • Anak, halika rito. Tandaan mo na ang pagmamahal ko sa iyo ay walang katumbas, gayundin sa iyong ama. Wala ka man muwang ngayon, ngunit sa tamang panahon ay maiintindihan mo rin kami. Patawad, anak.
  • Nagbalik ka!
  • Para sa iyo itong bulaklak. Simbolo ng aking tunay na pagmamahal sa iyo. Nagbago ang kilos at ugali ko ay dahil sa pagsisisi na hindi ko napanagutan yung pagiging mabuting asawa at ama, alam kong may pagkukulang ako. Hayaan mong makabawi ako sa inyo ng anak natin. Mahal na mahal ko kayong dalawa, sobra.
Over 30 Million Storyboards Created
No Downloads, No Credit Card, and No Login Needed to Try!
Storyboard That Family