Mga Estudyanteng Pasaway

Mga Estudyanteng Pasaway

Storyboard Text

  • Yes! Bago ako mag-aral, maglaro muna ako ng aking RDR.
  • Ay sorry po Mommy, hindi ko po narinig ang aking alarm.
  • Micah, gising na anak, tanghali na at baka ma late ka sa eskwela.
  • Magandang Umaga Micah. Mukhang napuyat ka sa kaka-review ng exam natin ngayon ah.
  • Naku po! Nalimutan kong mag-review kagabi dahil sa kakalaro ko ng RDR! Paano ko kaya maipapasa aking exam?
  • Isang gabi, pagkatapos ng kanilang hapunan, pinapasok na ni Aling Moira ang kanyang anak na si Micah sa kanyang kwarto para ito ay mag-aral ng kanyang leksyon. Ngunit, sa halip na mag-aral, si Micah ay naglaro ng Red Dead Redemption sa kanyang PS4. Hindi niya namalayan ang oras at siya ay umabot ng madaling araw sa kakalaro.
  • Micah, ano ang sagot sa number 1?
  • Sshhh...huwag kang masyadong maingay baka makita tayo ni Sir at mapagalitan tayo.
  • Kinabukasan, nagtaka si Aling Moira kung bakit hindi pa nagigising si Micah. Pinuntahan nya ito sa kanyang kwarto at ginising. Sa kanyang kakamadali, hindi na nakaligo at nakakain ng almusal si Micah. Siya ay naghilamos at nagsipilyo ng ngipin na lamang, pagkatapos sya ay nagbihis at nagmamadaling pumasok sa paaralan.
  • Tara na Dutch! Punta tayo sa canteen at doon na natin tingnan ang ating marka.
  • Sige, tara na?
  • Patay! Lagot ako ngayon sa aking Mommy. Baka kukunin na nya ang aking PS4 at hindi na ako makakapaglaro ng RDR.
  • Pagdating sa paaralan, nalaman niya na may exam pala sila sa araw na yaon. Bigla niyang naisip na nalimutan niyang mag review ng kanilang leksyon.
  • Akala ko din nagreview ka? Hindi ako nakareview kasi naglaro ako ng RDR.
  • Ha? Bakit isa lang ang tama natin!
  • Akala ko ba nag-review ka?
  • Nang magsimula na ang kanilang klase, si Dutch at Micah ay nag ready na sa kanilang exam. Sila ay nagkopyahan ng sagot habang ang kanilang guro ay may kausap sa kanyang cellphone.
  • Pagtapos ng kanilang exam, kaagad na tsinek ng kanilang guro ang kanilang mga test papers. At pagkaraan ng isang oras, binalik ng kanilang guro ang kanilang test papers na may marka. Tuwang-tuwa si Dutch at Micah dahil umaasa sila na mataas ang kanilang marka kasi nagkopyahan sila.
  • Pareho silang nagulat sa kanilang nakuhang marka. At sila ay nag-away. Lungkot at takot ang naramdaman ni Micah dahil alam nya magagalit ang kanyang Mommy kapag nalaman niya ito. Mula noon, si Micah at Dutch ay nag-aral na silang mabuti. Tinatapos muna nila ang kanilang pagreview na kanilang leksyon bago maglaro ng RDR.
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family