Kopya

Kopya

Storyboard Description

Ang tema ng istorya ay ang hindi pagsusumikap na makamit ang isang bagay. Masyadong umasa si Marvin kay Henry sa pag-aakalang makakapasa siya ng hindi nagpapakahirap sa pag-aaral. Hindi naging maganda ang resulta ng kanyang ginawang kilos na nagresulta ng kanilang pagbagsak sa pagsusulit ni Henry at pagkapahiya.

Storyboard Text

  • Si Marvin ay may pagsusulit bukas ngunit tinatamad siyang mag-aral. Kaya naisip nya na kumopya na lamang sa kaniyang kaibigan na si Henry upang hindi na siya mahirapan sa pag-aaral.
  • Pre, pwedeng pakopya? Nakalimutan ko kasing mag-aral. 
  • Kinabukasan, pagpasok ni Marvin sa kanilang silid-aralan ay agad niyang kinausap si Henry. Pumayag si Henry kahit na hindi rin siya masyadong nakapag-aral.
  • Sige!
  • Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang kanilang guro at sinimulan na nila ang kanilang pag-susulit.
  • Pre, anong sagot sa no. 1? 
  • Pagkalipas ng ilang minuto, dumating na ang kanilang guro at sinimulan na nila ang kanilang pag-susulit. Habang nag-susulit, hingi ng hingi si Marvin ng sagot kay Henry hanggang sa natapos ang kanilang pagsusulit at minarkahan na ito ng kanilang guro.
  • A!
  • Hala! Bagsak ako.
  • Pagkatapos markahan ng kanilang guro ang kanilang papel ay pinamigay na niya ito sa may-ari at nagulat si Marvin sa nakuha niyang grado. Sa kasamaang palad, si Marvin at Henry ay bagsak at sila lamang ang bagsak sa kanilang klase na naging dahilan upang sila ay maging usap-usapan ng kanilang mga kaklase.
  • Dahil dito, sobrang pagkapahiya ang naramdaman nila.
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family