"Pagkakaisa at kaunlaran ay mararating kung iisang wika ang ating gagamitin
Updated: 7/7/2020
"Pagkakaisa at kaunlaran ay mararating kung iisang wika ang ating gagamitin
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Description

Ipinasa nila Merl Sydene E. Rico at Precious Quijada ng seksyon Realino

Storyboard Text

  • "Pagkakaisa at kaunlaran ay mararating kung iisang wika ang ating gagamitin."
  • Nasaan ba tayo?
  • Ano ang ginagawa nila?
  • Naku! Paano nila maiintindihan ng maayos ang isa’t isa?
  • Mabuti pa’t turuan natin sila kung paano gumamit ng wikang Filipino.
  • Hindi ata nila tayo naiintindihan.
  • Magandang umaga po sa inyong lahat.
  • Naglalakbay sa loob ng kagubatan ang magkaibigang Merl at Precious nang mapadpad sila sa isang maliit na komunidad. Nagtaka sila dahil paggalaw ng kamay at pagbibigay senyales lamang ang ginagamit ng mga tao dito upang makipag-usap sa kapwa.
  • Magaling! Natututo na po kayo.
  • Ngayong may kaalaman na kayo tungkol sa wika, maaari niyo na itong gamitin bilang instrumento ng komunikasyon upang mas maunawaan ninyo ang isa’t isa
  • Kalaunan, napagtanto ng dalawa na ganoon talaga ang paraan nila ng komunikasyon dahil wala silang sariling wika. Napansin din nila na pati ang mga taga nayon ay di lubos na nauunawaan ang isa’t isa.
  • Maraming salamat sainyong dalawa. Hinding-hindi namin makakalimutan ang aral at kabutihang ibinahagi ninyo saamin.
  • Walang anuman po.
  • Nang dahil sainyo, natuto na kaming gumamit ng wikang Filipino at ipinapangako naming gagamitin ito sa mabuti.
  • Tinawag nila ang atensyon ng mga taga nayon at humingi sila ng pahintulot kung maaari ba nilang ibahagi ang wikang Filipino, ang ating sariling wika. Nahihirapan man makipag-usap, tinipon parin nila ang mga ito at naging determinadong ibahagi ang kinagisnang wika.
  • Magandang umaga mare, saan kayo galing ni Pedro?
  • Nagdaan ang mga araw, mas pinagbutihan pa nila ang pagtuturo ng wika at importansya nito sa mga taga nayon. Sabik na sabik din ang mga taga roon na matuto ng mas maayos na paraan ng komunikasyon, kaya ginawa nila ang kanilang makakaya upang mag ensayo at gamitin ito sa pakikipag-usap araw-araw.
  • Maraming salamat binibini.
  • Nagtagal pa sila ng ilang araw roon at nagplanong umalis kapag natapos na ang kanilang layunin na turuan ng wika ang mga taga nayon. Nang napansin nilang marunong na ang mga ito na gumamit ng sariling wika, nagpasya na silang umalis.
  • Lumipas ang ilang taon at mas umunlad pa ang kanilang komunidad dahil nauunawaan na nila ang isa’t isa at may maayos na silang komunikasyon. Napagtanto rin nila ang importansya ng wika sa pang araw-araw na buhay at kapag ang wikang Flipino ay pahalagahan at gamitin, sandata ito sa pagiging matatag natin.
  • May binili lang sa palengke mare, mauna muna kami. Magandang umaga rin sa inyo!
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family