Search
  • Search
  • My Storyboards

Unknown Story

Create a Storyboard
Copy this Storyboard
Unknown Story
Storyboard That

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Create your own Storyboard

Try it for Free!

Storyboard Text

  • ANG TUSONG KATIWALA
  • May isang taong mayaman na may isang katiwala. Isang araw ay may nagsumbong sa kaniyang nilulustay nito ang kaniyang ari-arian kaya ito ay pinatawag niya.
  • Ano na ang gagawin ko ngayong aalisin na ako ng aking amo sa pangangasiwa? HIndi ko naman kayang magbungkal ng lupa at ako ay nahihiya din na mamalimos. Alam ko na! Tanggalin man ako sa tungkulin ay dapat siguraduhin kong may tatanggap naman sa akin sa kanilang tahanan.
  • Ano ba itong naririnig ko tungkol sa iyo na nilulustay mo daw ang aking mga ari-arian? Ihanda mo ang ulat ng pangangasiwa dahil napagdesisyunan kong tanggalin ka na sa iyong tungkulin!
  • Magkano ba ang inyong mga utang sa aking amo?
  • Dali at maupo kayo rito! Palitan mo ang nakasulat sa kasulatan ng iyong pagkakautang at gawin mong limampung tapayang langis at sa'yo naman ay walumpung kabang trigo.
  • Ang utang ko po ay isandaang tapayang langis.
  • Ang akin naman po ay isaandang kabang trigo.
  • Nabalitaan ko ang katalinuhang iyong ipinamalas. Pinupuri kita at ang iyong katalinuhan sapagkat hindi kailanman sumagi sa aking isipan ang bagay na iyong ginawa.
  • Kaya't sinasabi ko sa inyo, gamitin ninyo ang kayamanan sa paggawa ng mabuti sa inyong kapwa atsa dakong huli ay tatamuhin ninyo ang tahanang walang hanggang. Ang mapagkakatiwalaan sa maliit na bagay ay mapagkakatiwalaan gayon din sa malaking bagay at ang mandaraya naman sa maliit na bagay ay gayon din pagdating sa malaking bagay.
  • Kaya kapag sa mundong ito ay hindi na kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan, sino pa ang magtitiwala sa inyo ng tunay na kayamanan? Sino pa ang magbibigay ng kayamanan na talagang para sa inyo kung gayong hindi kayo mapagkakatiwalaan sa kayamanan ng iba?
  • Walang aliping maaaring maglingkod sa dalawang panginoon sapagkat ang isa sa dalawang panginoon ay kanyang iibigin at ang isa naman ay kanyang kamumuhian. Hindi rin maaaring maglingkod ng sabay ang tao sa Diyos at sa kayamanan.
  • Kahit pa magpanggap kayong matuwid sa harap ng mga tao ay batid pa rin ng Panginoon ang laman ng inyong mga puso sapagkat ang itinuturing na mahalagang bagay ng mga tao ay kasuklam-suklam sa paningin ng Diyos.
  • Ang mga Pariseo ay sakim sa salapi at nang marinig nila ang sinabing ito ni Jesus ay nagalit sila at sinimulan nilang kutyain si Jesus.
Over 30 Million Storyboards Created