KABANATA12: SI PLACIDO PENITENTE

KABANATA12: SI PLACIDO PENITENTE
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Malungkot na patungo sa Unibersidad ng Santo Tomas si Placido Penitente  sapagkat ibig na niyang tumigil ng pag-aaral tulad ng nasabi na niya sa dalawang sulat niya sa ina.  Pinakiusapan nga lamang siya ng ina na kahit batsilyer sa   artes    ay matapos niya. Nasa ikaapat na taon na siya
  • Ang paghahangad ni Placido na magtigil ng pag-aaral ay palaisipan sa kanyang mga kababayang taga Tanawan.  Siya ang pinakamatalino sa bantog na paaralan ni Padre Valerio roon.  Hindi    naman siya sugarol, walang kasintahang magyayayang pakasal, at laban sa mga aral ng Tandang Basyong Makunat, masalapi.
  • Nagulat pa si Placido nang makapasok na siya sa Magallanes at siya’y tapikin ni Juanito Palaez sa balikat.  Si Palaez ay mapaghangin at paborito ng mga guro.  Anak ng mestisong Kastila. Mayaman.  May pagkakuba
  • Kinumusta ni Juanito ang bakasyon ni Placido.  Pagkatapos ay ibinalita ang pagbabakasyon niya sa Tiyani, kasama si Padre Camorra.  Nangharana raw sila ng magagandang babae.  Wala raw bahay na hindi nila napanhik.  At may ibinulong kay Placido na ikinamangha tila ng huli.  Tanga raw si Basilio sa pagkakaroon ng katipang tulad ni Huli.  Pero susuko rin daw si Huli kay Padre Camorra.
  • Nagtanong ng leksyon si Palaez kay Penitente sapagkat noon lamang papasok ang kuba.  Pulos walang pasok noong nakaraang mga araw.  May kaarawan ng guro, may pista ng santo, mayroong umambon
  • Ang leksyon daw nila ay ukol sa mga salamin.  Niyaya ni Pelaez si Penitente na maglakwatsa.  Tumutol ang huli.  Nagpatuloy sila ng paglakad.  May naalala si Pelaez.  Nanghingi ng abuloy para sa monumento ng isang paring Dominiko.  Nagbigay si Placido para magtigil na si Pelaez at alam din ng Batangueno na nakatutulong ang gayong mga abuloy sa pagpasa ng estudyante.
  •  Malapit na sila sa Unibersidad.  Naroon si Isagani na nakikipagtalo ukol sa aralin.  Ang ibang estudyante ay naniningin ng magagandang dalagang nagsisimba.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store