Ang Alamat ng Sampalok 5B-B09 Ng, Reich Michael M.

Ang  Alamat ng Sampalok 5B-B09 Ng, Reich Michael M.

Storyboard Text

  • Noong unang panahon may tatlong prinsipe na magkakaibigan -ito ay sina Prinsipe Samuel, Prinsipe Palileo at si Prinsipe Lokario. Tuwing magkakasama ang tatlo ay tiyak na may mangyayaring hindi maganda dahil sila ay mapangmata at malupit sa mga mahihirap.
  • Pinagtatawanan nila ang mga taong may kapansanan at hindi nila iginagalang ang mga matatanda. Mabait lamang sila sa mayayaman at kauri nilang mga dugong-bughaw.
  • Minsan sa pamamasyal ng tatlong prinsipe ay napadaan sila sa isang sapa. Saglit silang huminto at pinanood ang mga naliligong dalaga. Kasiya-siyang tingnan ang mga hugis ng katawang naaaninag sa manipis na tapis kaya sila ay nagtatawanan na parang nambabastos. Sinabihan sila ng isang dalaga na huwag silang panuorin at pagtawanan ngunit sinaktan ni Prinsipe Samuel ang dalaga.
  • Uulitin pa sana ng prinsipe ang pagsampal subalit isang matandang babae ang namagitan. Palibhasa’y walang iginagalang ang mga prinsipe, pinagtulungan nilang saktan ang matanda.
  • Datapuwa’t lahat ay napamulagat ang matanda ay nagbago ng anyo. Isa pala itong engkantada! Tinuro nya ang mga mata ng mga prinsipe at ang kanilang mga mata ay nangalaglag! Kasindak-sindak ang pangyayaring iyon sapagkat ang mga nahulog na mata ay agad nilamon ng lupa.
  • Kinabukasan, nagtaka ang lahat sa biglang pagtubo ng isang puno kung saan lumubog ang mga mata ng tatlong prinsipe. Ang puno ay namunga. Nang kanilang tikman, ito’y ubod ng asim! Kalaunan natutuhan ng mga tao na gamiting pampaasim sa nilulutong ulam ang Sampalok.
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family