Unknown Story

Updated: 10/13/2021
Unknown Story

Storyboard Text

  • (Makalipas ang Sampung taon)Habang naglalakad si Mathilde ay may nakasalubong siyang isang babae na tila pamilyar sakanya. Nang magkasalubong sila ay nakilala niya ito. Si Madam Forestier, ang hiniraman niya noon ng kwintas para sa isang pagdiriwang.
  • Madam Forestier, ikaw pala iyan! Kumusta ka na po? Kung di nyo maitatanong ay ayos naman na kami ng asawa ko matapos ang pagdiriwang na nangyari noon
  • Maayos naman at nasa mabuting kalagayan kami Mathilde. Inaalagaan ko nang maayos ang aking anak sa aming tahanan.
  • Kaso nga lang ay minsan namomroblema na kami ng aking asawa kung paano namin matitipid ang sahod namin dahil sa ngayon ay naghihirap kami. Simula noong binili ko ang isinauli ko sa iyong kuwintas na nawala ko noon, ginawa na namin ang lahat para makaraos sa aming buhay.
  • Ano? Binili mo ng ganoong kamahal ang kwintas na nawala mo?? Ngunit ang pinahiram ko lamang na kwintas sa iyo ay nag kakahalaga lamang ng dalawang daang Prangko. Hindi mo naman kailangang gumastos ng ganoong kalaki para sa kwintas ko.
  • Pasensya ka na kung nahantong ka sa ganiyang sitwasyon, Hindi ko naman alam na binili mo pala ang kwintas na isinauli mo sa akin noon. Halika, pumunta ka muna sa aking bahay may ibibigay lang ako sa iyo para hindi ka na malungkot.
  • Wow! Ang ganda pala ng bahay mo Madam Forestier! Naalala ko pa noon na ganto rin karami ang mga kagamitan namin sa bahay. Kaso nga lang kailangan naming ibenta ang mga iyon para lang mabuhay kami ng aking asawa.
  • 'Di naman ganoon kagara ang aking bahay. Sakto lamang ang laki nito para sa aking pamilya. O siya, may ibibigay nga pala ako sa iyo.
  • Oh ito. Isasauli ko na sayo ang pinaghirapan nyong bilhin na kuwintas. Sa iyo na ito, ibenta mo nalang kung gusto mo para may panggastos na kayo sa araw-araw ng asawa mo. Malaki din ang halaga niyan ngayon sa pamilihan. Huwag kang mag-alala dahil marami pa naman akong kuwintas dito. At saka ito pa pala bistida, pangdagdag lang para sa mga isususot mo sa araw-araw.
  • Matapos maibigay ni Madam Forestier and kuwintas ay nakauwi si Mathilde ng ligtas sa kanilang tahanan. Ang kaniyang asawa ay natutuwa din dahil mayroon na silang panggastos para sa pangangailangan nila sa araw-araw at hindi na silang muli maghihirap pa sa kanilang sitwasyon.
  • Maraming salamat Madam Forestier. May panggastos na po kami ng aking asawa para sa aming bahay at pagkain. Sobrang laking tulong po nito sa amin, matutuwa po ang asawa ko dito.
  • Maraming salamat po talaga Madam Forestier!
  • Naiintindihan ko ang sitwasyon mo Mathilde. O siya tahan na. Masaya ako para sayo dahil nasayo na ang pinaghirapan nyong kwintas. Mag-iingat ka lagi Mathilde