Bidasari Part 2
Updated: 6/14/2020
Bidasari Part 2
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Text

  • Pinayagan si Bidasari na makauwi sa kaniyang mga magulang. Sa takot ni Dyuhara ay ipinagpatayo niya ito ng palasyo sa gubat na malayo sa Indrapura. Paniwalang paniwala naman si Lila Sari na tuluyan nang mamamatay si Bidasari.
  • Isang araw naisipan ni Sultan Mogindra na mangaso at napadpad siya sa palasyo ni Bidasari. Pinasok niya ito at binuksan ang lahat ng silid hanggang sa makita niya si Bidasari. Ginising niya si Bidasari ngunit ayaw nitong magising. Minabuti niyang balikan nalang ito kinabukasan.
  • Kinabukasan, binalikan nga ng sultan si Bidasari at inalagaan ito hanggang sa gabi. Hangang-hanga siya sa ganda ni Bidasari. Pagdating ng gabi, nagising ang dalaga at ipinagtapat nito ang pagpapahirap sa kaniya ni Lila Sari. Nagalit ang sultan.
  • Pinakasalan ng sultan si Bidasari at naiwan si Lila Sari mag-isa. Pagkalipas ng maraming taon, nagsibalikan na sa Kembayat ang mga tao kabilang na ang totoong pamilya ni Bidasari. Ang isang anak ni Dyuhara na lalaki ay napadpad sa Kembayat at nakilala niya ang kapatid ni Bidasari na si Sinapati.
  • Kinaibigan niya si Sinapati at sinabing mayroon siyang kapatid. Tinanong niya sa kaniyang mga magulang kung tunay bang may kapatid nga siya at umamin naman ang mga ito. Pinuntahan nila si Bidasari sa Indrapura at nagbakasakaling anak nga nila si Bidasari.
  • Pagkadating nila ay nagulat ang lahat dahil magkamukhang magkamukha si Bidasari at si Sinapati. Umamin si Diyuhara na nakuha niya lang si Bidasari sa bangka. Nagkakilala ang magkakapatid at ang sultan. Naging masaya ang lahat dahil tunay na prinsesa pala si Bidasari.
Over 14 Million Storyboards Created
Storyboard That Family