Sundiata Part 1

Sundiata Part 1
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Si Maghan Sundiata, na tinatawag ring Mari Djata, ay anak ng Haring Maghan Kon Fatta ng Mali sa kaniyang ikalawang asawa, si Sogolon Kadjou. Isang mahiwagang mangangaso ang humula na magiging makapangyarihang pinuno si Mari Djata na makahihigit pa kay Dakilang Alexander.
  • Ngunit ilang tao lamang ang naniniwala sa propesiya sapagkatpitong taong gulang na si Mari Djata ay hindi pa ito nakakalakad. Tila walangkatiyakang mapabilang siya sa mga pagpipiliang emperador. 
  • Nang namatay ang hari ay hinirang ng kaniyang unang asawa nasi Sassouma Berete ang sariling anak bilang hari at ipinatapon ang mag-inangSogolon at Djata dahil sa poot. Namuhay ng isang kahig, isang tuka ang mag-ina mula noon.
  • Wala namang silbi yang anak mo! Mas mabuti pang maging hari ang aking anak! Umalis na kayo sa palasyo ko!
  • Isang araw, kinapos si Sogolon ng pampalasa at nagtungo sa Inang Reyna upangmagmakaawa ng kaunting Dahon ng baobab.
  • Mahal na reyna. pahingi naman ng kaunting dahon.
  • Mabuti pa ako at mayroong anak na pito at siya aynakakalakad at nangangalap ng Dahon para sa akin. Kumuha ka, sapakat hindimalalamang ng iyong anak ang aking anak!
  • Natigalgal si Sogolon at lumisan na mag bikig sa lalamunan.
  • Habang nagbibinata si Sundiata, ang maitim na budhing si Soumaoro Kante , isang manggagaway na hari ng kanugnog na kaharian ay nang-aagaw at nanakop ng maraming bayan.
  • Gayon pa man si Sundiata ay nakagawa ng paraan na makaratingsa Sosso, ang kabisera ng lungsod ni Soumaoro upang makaharap ang halimaw naninuno.
  • Habang papunta doon, maraming digmaang pinangunahan atpinag-tagumpayan si Djata at siya’y sumikat bilang lider.
  • Bata pa man si Sundiata, ay naging mahusay ng siyang mangangaso. Naging matalik niyang kaibigan si Manding Bory, ang anak ng kaniyang ama sa ikatlong asawa. Habang sina Sassouma at Dankaran naman ay ipanatapon.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store