Questions About Remote Learning? Click Here

Kabanata 14: Ang Tahanan ng Mag-aaral
Updated: 3/22/2020
Kabanata 14: Ang Tahanan ng Mag-aaral
This storyboard was created with StoryboardThat.com

Storyboard Description

Ang kabanatang ito ay tungkol sa isang pagpupulong ng mga estudyante sa bahay ng isang mag-aaral na si Makaraig. Dito sila nag-uusap kung paano nila itayo ang paaralan.

Storyboard Text

  • Sa dahilang ang mga klase sa Kastila ay kailangang gawin sa gabi ay maaaring sabihing magiging daan ng di mabuting asal at ugali na gaya ng pangyayari sa paaralan sa Malolos... Masisira ang karangalan ng unibersidad.
  • Hayaan nang manganib ang karangalan nito; ang unibersidad ay dapat magbigay sa pangangailan ng mga mag-aaral
  • Tulad ng aking sinabi, mga kaibigan, bukang-liwayway ng isang bagong araw ay malapit na; ang Espanya ay nagbubukas ng bagong panahon sa kanyang minamahal na Pilipinas... Nagtitipon tayo rito ni Makaraig upang ipahayag ang ating tagumpay at bukas ay makikita natin na ang ating pagsisikap ay may gatimpala ng papuri at pagpunyagi ng ating bansa.
  • Nagpupulong sa bahay ni Macaraig ang mga estudyanteng sina Isagani, Sandoval, Juanito Pelaez, Pecson at iba pang mga estudyante tungkol sa pagpapatayo ng Akademya ng Wikang Kastila.
  • MABUTING BALITA MGA KAIBIGAN!
  • TAGUMPAY! MABUHAY ANG WIKANG KASTILA!
  • Nag-uusap ang mga mag-aaral tungkol sa isyung ito. Ipinahayag ni Pecson na mapapanganib ang karangalan ng bayan at ng unibersidad habang si Sandoval naman ay tumutol nito.
  • Binigkas ni Sandoval ang isang magandang parirala ng pagtatanggol sa administrasyon. Sumunod ang masigabong palakpakan mula sa ibang mag-aaral. Bawat isa ay napaniwala na sa tagumpay at marami pa ang naniwala sa mga karangalan at palamuti.
  • Kahit na madaming sumang-ayon kay Sandoval ay muling sumalungat si Pecson. Natigilan laman ito nang may dumating na isang binata; pumasok at niyakap ng lahat. Ito'y si Macaraig at siya'y sumigaw na may dala siyang mabuting balita.
  • Ikinuwento ni Macaraig ang nangyari. Mula sa pagkita nila ni Padre Irene at sa kung paano ipinagtatanggol ni Padre Irene ang kanilang adhikain sa pagpapatayo ng paaralan sa kanilang mga kaaway.
  • Nagbigay ng mga paraan ang mga mag-aaral kung paano maimpluwensyahan si Don Custodio. Naisip nilang kaya itong maipluwensyahan ni Pepay at ni Ginoong Pasta.
Over 13 Million Storyboards Created
Storyboard That Family