anecdote for filipino
Updated: 1/14/2021
anecdote for filipino

Storyboard Text

  • Ito na ating bagong bahay.
  • WOW!!
  • Ayan na Mishca. May sarili kang kwarto. Wag ka na maglaro sa kwarto ko.
  • Bakit kaya andito sa lamesa ang "doorknob" at "lock" para sa pinto?
  • Bahala na. Ibabalik ko nalang sa pinto ko
  • Noong ako ay nasa pang-apat na baitang, lumipat kami sa aming bagong bahay.
  • Gagawa na ako ng homework pero naiwan ko ata ang aking kwaderno sa salas.
  • Ito ang unang beses na nagkaroon ako ng sarili kong kwarto. Hindi ko na kailangan makihati sa kwarto ng ate ko. Tuwang-tuwa talaga ako dahil pwede na ako maglaro sa aking sariling lugar.
  • HALA?! BAKIT AYAW BUMUKAS?!?!
  • Isang araw ay kakauwi ko lang galing sa paaralan. Gustong gusto ko na maglaro kaya’t pumunta agad ako sa aking kwarto. Pagkadating ko sa aking kwarto ay napansin ko na nakalagay yung “doorknob” at “lock” sa akin lamesa. Agad-agad ko naman tong ibinalik ito sa pinto at “ni-lock” ko ito.
  • TULONG!!
  • Malipas ang lang minuto ay nalala ko na naiwan ko ang aking kwaderno sa may salas.
  • Subalit, noong bubuksan ko na ang pinto, laking gulat ko na ayaw nito bumukas. Paulit-ulit ko na itong hinihila, tinutulak, at inaalog pero ayaw padin nito bumukas.
  • Sumigaw ako para matulungan ako ng mga kapamilya ko. Lumapit yung nanay ko, tatay ko, at ang ate ko. Lahat sila ay nagtataka kung bakit ako sigaw ng sigaw.