WAKAS NG ANG KWINTAS

WAKAS NG ANG KWINTAS
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Isang araw ay nagkita sina Matilda at ang pinaghiraman nito ng kwintas. Inamin nito na peke ang dyamanteng nasa kwintas na ipinahiram  niya rito.
  • Gayon nalang ang pagkaawa ng kaibigan sa sinapit ni Matilde kaya't inanyayahan niya itong magtrabaho sa kaniyang fashion botique  na desperadong tinugon ni Matilde.
  • Matilde? tumayo ka riyan at muling bumalik sa buhay na iyong nakasanayan. Hindi ka naaangkop sa lugar na ganito.
  • Anong magagawa ko? kailangang kong  bayaran ang kwintas.
  • Buhat ng konsensiya niya sa sinapit ni Matilde ay binihisan niya ito ng magarang kasuotan tulad ng dati nitong nakasanayan.Binigyan niya rin kaagad si Matilde ng proyekto na ilalabas sa gaganaping fashion show .  
  • Inabot na ng gabi si Matilde sa paggawa ng mga disenyong gagamitin sa fashion show  sapagkat siniguro niyang magaganda at matagumpay ang kanilang magiging proyekto.
  • Napakarami naman ng mga gawaing ito. SUbalit, kailangan kong magsumikap upang kahit papaano ay mabayaran ko na ang kwintas na iyon. 
  • Pagsapit ng patimpalak, pinaghalong kaba at galak ang nararamdaman niya at di na rin siya mapakali sa mga kaganapan.
  • Subalit sa di niya inaasahang pagkakataon ay tinanghal siya bilang pinakamahusay na designer. Umani siya ng samu't saring pagpuri at imbitasyon galing sa tanyag na institusyon sa larangan ng fashion.
  • Napakahusay mo Matilde! Napakarami na rin ang mga nagnanais na makatrabaho ka at sikat pa. Tungkol sa kwintas, maaari ka ng makagawa ng iba't ibang disenyo nito.
  • Maraming  salamat sa tulong mo kaibigan. Kung wala ang tulong mo ay wala ako sa kalagayang ito.
  • Si Matilde at ang kaniyang asawa ay muli nang nakabalik sa dati nilang pamumuhay. Nabayaran na rin nila ang mamahaling kwintas at sa pagkakataong ito ay pareho na silang nagtatrabahong mag-asawa.
  • Sa huli, ay napagtanto ni Matilde na hindi masamang maghangad ng malaki gayunman, ay dapat na marunong lang magsumikap upang makamit ito. 
Explore Our Articles and Examples

Business Resources

All Business ArticlesBusiness Templates

Film Resources

Film ResourcesVideo Marketing

Illustrated Guides

BusinessEducation
Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store