Phoebus: tigil! Narito ako upang ihayag ang tunay na kaganapan sa tangkang pagpaslang sa akin papatunayan ko na hindi siya ang nagtangka sa buhay ko.Naganap iyon ng kami ay naglalakad ng gabi ng may biglang sumulpot sa aking likuran at pinagtangkaan ang aking buhay, mabilis itong nakaalis ngunit namataan ko ang kanyang itsura, nakakasigurado akong iyon ay si Padre Frollo
Phoebus: paumanhin kong ngayon lamang ako, ako ay naduwag sapagkat ayaw kong magkaroon pa ng gulo at madamay ang aking ngalan sapagkat ako ay nakatakda nang ikasal sa babaeng matagal ko nang sinisinta.
Esmeralda: Masaya ako na dumating ka at masaya ako sa magaganap na kasalan niyo ng iyong mapapangasawa. Hanggang sa muli Phoebus
Esmeralda: Maraming salamat sa iyo, salamat sa pagprotekta at pagtanggol mo sa akin sa panahon na ako ay walang malalapitan.Masaya ako na ikaw ang nakasama ko sa panahon na ako'y nadedehado at hindi mo ako iniwanan. Nais kong makilala ka pa ng lubos, maari bang manuluyan sa iyong tirahan?
Quasimodo: Ikinalulugod kong ikaw ay aking natulungan.Kung iyan ang iyong nais, ikinagagalak kong tanggapin ka at ang iyong ina sa aking tirahan sa ibang bayan.