Maaring lumipad ang mga taoNaisalasay ni Virginia Hamilton Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgulles
Sinasabing iniingatan ng mga taong lumilipiad ang kanilang katangian at kapangyarihan kahit na inaalis nila ang kanilang pakpak. Ang kanilang kapangyarihan ay tinatago nila at inililihim sa lupain kung saan makikita ang mga alipin.
Sa isang lugar may isang babaeng nagngangalang Sarah kung saan siya ay may anak na akay-akay niya sa kaniyang likod habang siya ay nagtatrabaho sa isang palayan. Sa kaniyang trinatrabahuhan ang mga tagapagbantay ng lupain ay talagang malupit kung saan sila ay nilalatigo habang sakay ito sa sariling kabayo kapag sila ay babagal sa kanilang trabaho
Habang si Sarah ay nag-aayos ng mga pilapil sa palayan, hindi inaasahan na sa isang araw ang kaniyang anak ay umiyak ng umiyak dahil sa kagutuman nito kaya't hindi ito matigil sa pag- iyak hanggang ang tagapagbantay ay napuno na sa galit at nilatigpo na aang mag-ina.
Pagod at sugatan si Saraha at ang knaiyang anak pagkatapos silang parusahan ng tagapagbantay. Lupaypay si Sarah nung lumapit sa knaiya ang pagod at sugatan ding matanda na nagngangalang Toby. Naawa si Toby sa nasapit ng mag-ina kaya sinabihan niya si Sarah na ito na ang panahon kung saan siya ay makakaalis na at pagkatpos bumulong ito ng mga mahiwagang salita. Dahil sa mahiwagang salita na binigkas ng matanda nagkaroon ng pakpak si Sarah at lumipad patungo sa himpapawid kasama ang kaniyang anak
Pagkatapos ng pangyayari, ang matandang si Toby ay patuloy na tumulong sa pagpapalaya ng mga alipin sa mga sumusunod na araw. Ang kanilang paglipad sa himpapawid kasama ang kanilang mga kasamahan ay nasaksihan ng mga ibang alipin at ng mga tagapagbantay bago pa sila naglaho sa kalangitan.
Sa paglipas ng panahon, pagkatapos ng nakakamanghang pangyayari ang mg ibang alipin ay naghahangad parin ng paagkakataong sila ay makakalipad rin balang araw, ngunit hindi sila naturuan kaya't ang kanilang ginawa ay ang pagpapatuloy sa pagkuwento sa kanialang mga anak tungkol sa kanilang nasaksihan na pangyayari.