FILIPINO

FILIPINO
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Galing sa eskwela ang isang dalaga na sumakay sa isang sasakyang pantransportasyon upang makauwi na nang makita niya ang isang aleng umiiyak.
  • Pagkatapos ay tinanong ng dalaga kung puwede bang sumama ang ale sa kaniya upang tuluyang mawala ang kanyang lungkot.
  • Ale, bakit po kayo umiiyak?
  • Hindi ko na kasi makikita ang aking anak, habang buhay.
  • Hindi nila namalayan ang oras na magkasama dahil sa saya na nararamdaman ng kanilang mga puso
  • Ngunit naputol ang kasiyahan at tila bang pawang panaginip ang lahat nang biglang mawala ang ale sa pagmulat ng pares niyang mga mata.
  • Maaari mo bang ipikit ang iyong mga mata?
  • Mahal kita...
  • Sa simula'y kagagaling lang sa eskwela ng isang masipag na dalaga. Nakasakay na siya sa isang pampubilkong transportasyon nang mapansin niya ang isang babaeng sa kaniyang mga mata'y matinding lungkot ang tahimik na isinisigaw.
  • Napagpasyahan ng dalaga na yayain itong lumabas kahit sa puso niya'y may pag-aalinlangan kung siya ay papayag bang sumama o hindi. Sa kabutihang palad ay pumayag ang ale, na kahit sa sandali lamang ay lumigaya ang kanyang pusong sugatan.
  • Gulat na gulat siya nang malaman kung sino ang kasama ng kaniyang ama. Ito ay ang aleng nakasama niya kani-kanina lamang.
  • Biglaan man, ngunit sa gitna ng kasiyaha'y nagbagong muli ang ihip ng hangin. Kataka-takang humingi ng pabor ang ale kung maaaring ipikit muna ng dalaga ang kaniyang mga mata. Dahil sa ugaling pagkamasunurin ng dalaga'y ginawa niya rin agad ito. Sa pagpikit niya'y narinig niya ang tinig ng isang babae na nagpapaalala sa kanyang mahal niya ang dalaga.
  • Anak, ito ang iyong ina na matagal na nanatili sa ibang bansa upang magtrabaho. Siya'y bumalik na!
  • Nawala rin agad ang paglutang ng kanyang isip sa pagkakataka kung bakit sinabi sa kanya ng isang babae ang salitang "Mahal kita" at kung sino kaya iyon, dahil na rin sa narinig niya ang isan hiyaw ng kasawian na nanggagaling sa kanilang bahay - na ang tao lamang roon ay walang iba kundi ang kanyang ama.
  • Nang makauwi na siya sa bahay, biglang umalerto ang kaniyang mga tainga nang marinig ang hagulgol ng isang lalaking may mababang boses - ang kaniyang ama.
  • Laking gulat niya na lamang nang makitang may kayakap ang kanyang ama habang ito'y umiiyak. Ngayon niya na lamang muling nakitang nagiging emosyonal ang kanyang ama na sa kabila ng matinding mga suliranan sa kanilang buhay ay nanatili pa ring matapang at palaban.
  • Yakap na lamang ang naisukli ng dalaga sa sinabi ng kanyang ama, "Anak, ito ang iyong ina na matagal nang nanatili sa ibang bansa upang magtrabaho. Siya'y bumalik na!"
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art