Unknown Story

Updated: 10/13/2021
Unknown Story

Storyboard Text

  • Paano na ngayon ang aming buhay? Naghihirap kami dahil hindi mo sinabing peke lang pala iyon. Ikaw pa ang nagalit nong hindi ko nabalik agad ang kwintas!
  • Pasensya ka na. Hindi ko alam na ganito ang mangyayari sa iyo. Hayaan mo akong tulungan ka.
  • Ano naman ang magagawa mo, hindi mo na maibabalik ang dati naming buhay.
  • Gagawin mo talaga iyan? Magagalak ang asawa ko nito! Pasensya at nagalit agad ako, nadala lamang ng emosyon.
  • Hindi ko nga kayang gawin iyon pero kaya ko namang ibalik ang kwintas para maibenta mo ito at mabawi ang perang ipinambili mo dito. Tara ngayon at sumama ka sa aming bahay.
  • Mathilde, ito ang kwintas na isinauli mo sa akin. Sayo nalang ito at bawiin mo ang pinambili mo para umayos na ulit ang iyong buhay.
  • Naku, hanggang ngayon ay hindi ka pa rin nagbabago. Mabait at matulungin ka pa rin! Salamat talaga!
  • Nang malaman ni Mathilde na naghirap silang bumili ng isang napakamahal na kwintas para mapalitan ang pekeng kwintas na ipinahiram sa kanya, napatigil siya dahil sa pagkabigla.
  • Sa nakikita ko'y maganda at maayos pa naman ang kalidad. Ang pinakamataas na halagang maaalok ko sayo'y 30 000 prangka.
  • Nalungkot din si Madame Forestier dahil sa sinapit ni Mathilde at dahil nga sa likas na matulungin ito, nag-isip siya ng paraan upang kahit papaano ay mapagaan ang suliraning pinagdaraanan ng dating kaibigan.
  • Tama! Magtayo tayo ng negosyo para umangat na muli ang antas ng ating pamumuhay.
  • Napakagandang balita niyan Mathilde! Sa wakas ay makakaahon na tayo sa hirap!
  • Pumunta nga ang dalawa sa bahay ni Madame Forestier. Doon ay ibinigay ng ginang kay Mathilde ang kwintas. Lubos ang sayang naramdaman ni Mathilde at nagsimula na ulit bumalik ang pag-asa niya sa pangarap na maging maluho.
  • Agad na nagtungo si Mathilde sa pinakamalapit na bilihan at bentahan ng alahas. Nabenta niya ang alahas sa mas mababang halaga kaysa sa halagang nabili niya dito pero ayos na iyon sa kanya basta't may nabalik siya sa pera niya.
  • Ito ay isang kwintas na nabili ko sa halagang 3 6000 prangka. Magkano na ba ito ngayon?
  • Sabik na sabik ngang umuwi si Mathilde para ibalita sa asawa ang magandang nangyari sa kanya. Nag-usap sila tungkol sa kung anong gagawin sa pera. Napagdesisyunan nilang gamitin ang iba doon para magtayo ng negosyo at bawiin ang kanilang ari-arian, habang ang iba'y itatabi.
  • Nagtayo nga ng negosyo ang mag-asawa. Sila ay nagbenta ng mga alahas. Maliit lang sa simula ang negosyo pero lumago nang lumago. Nagkaroon din sila ng isang anak na lalaki. Bumalik na rin ang magandang mukha ni Mathilde. Natuto si Mathilde na kailangang paghirapan kung may gusto ka talagang makamit. Malaki ang pasasalamat niya kay Madame Forestier. Namuhay ang mag-anak nang kuntento at masaya.