Wakas sa kuwentong "Ang Kwintas"

Wakas sa kuwentong "Ang Kwintas"
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Labis na nanghinayang si Mathilde sa malaking halaga ng pera na nawala sa kanila. Nag-alala naman si Madam Forestier at humingi ng paumanhin kay Mathilde dahil sa 'di agad pagsabi nito na peke lamang ang kwintas na iyon. 
  • SANGLAAN NG MGA ALAHAS
  • Naisip ni Madam Forestier na ibigay na lamang kay Mathilde ang kwintas na iyon bilang ganti at regalo na rin sa kaniyang minamahal na kaibigan. Tutal, umaasenso na rin ang kaniyang negosyo sa paglalako ng mga damit at alahas.
  • MATHILDES' CLOTHING AND JEWELRIES
  • Labis itong ikinatuwa ni Mathilde at kahit sa una'y nahihiya pa itong tanggapin ang regalong ibinigay ng kaniyang kaibigan, pinilit pa rin ito ni Madam Forestier. Kaya, tinanggap niya pa rin ang regalo dahil alam niyang malaki itong biyaya at oportunidad sa kaniya.
  • Napagdesisyunan ni Mathilde na isangla ang mamahaling kwintas na iyon upang mapakinabangan niya ito lalo at maibalik man lamang sa kanila ang perang nawala at ginugol nila sa kwintas na iyon.
  • Gamit ang perang iyon, nagtayo ng negosyo si Mathilde. Naging inspirasyon niya si Madam Forestier kaya ang negosyong napili niya ay ang paglalako ng mga damit at alahas. naging magka-sosyo sila ni Madam Forestier kaya lagi na sila nito magkasundo.
  • Lumipas ng ilang taon ay umasenso rin ang negosyong ipinundar ni Mathilde. Higit siyang nakatulong sa kaniyang asawa sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Nagbago na rin ang pag-uugali ni Mathilde dahil mula noo'y nakuntento na siya sa kung anong meron sa kaniya. Tunay na masasabi na sila'y naging mayaman dahil sa isang kwintas lamang.
More Storyboards By franchin04
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store