Tol, subukan mo ito para hindi ka maging malungkot.
Hindi ba't masama ang pag inom ng alkohol?
sige na tol...
o siya sige mga tol para makalimot na din ako sa mga problema ko.
Hindi ba't kaibigan mo kami? Walang bawal dito sa atin tol.
Tol, ayos ha. Ang sarap sa pakiramdam mga tol. Bukas ulit, sa bahay ko, sagot ko na lahat.
Isang araw, pumunta si Drake sa bahay ng kanyang kaibigan na si Emil. Inanyayahan ni Emil na uminom ng alak si Drake dahil may problema siyang pinagdadaanan at nais niya itong makalimutan sa pamamagitan ng pag-inom ng alak.
Sa una'y ayaw pa ni Drake pero nang dumating na ang isa pang kaibigan nila na si Kenneth ay napilitan siya at bumigay dahil sa sinabi ng kaniyang mga kaibigan.
Habang tumatagal ang kanilang pag iinom ay nagugustuhan na ni Drake at sinabing palagi na silang mag-iinom dahil masarap ito sa kanyang pakiramdam.