Apo, ako’y nagagalak sa iyong mga katanungan. Sa murang edad mo ay nakapag-isip ka niyan, talagang nakinig ka ng maayos kanina sa sermon ng pari.
Pagkatapos ng misa ay lumabas na sina Lola Carisa at Ela. Mula sa mga narinig ni Ela sa sinabi ng pari ay hindi niya napigilan na magtanong sa kaniyang lola.
Alam mo apo, sa nabasa kong sulat noon ni Rizal, ang mga kababaihan kasi ay sadyang bulag sa katotohanan dahil narin sa takot. Sila'y palaging nagrorosaryo at humahalik pa nga ng kamay sa ari. Napakamasunurin nila sa mga nakakatass nila at pilit na pinapasunod sa gawaing pansimbahan na ang iba ay hindi tama.
Hehehe ganoon po ba Lola.
Lola, ako po’y may katanungan(hehe). Habang nakikinig po ako sa sermon ng pari ay natanong ko po sa sarili aykailangan ba talaga nating sundin ang sinabi ng pari? Talaga bang gawain nating mga babae Lola ang magdasal palagi kagaya ng mga novena at pagrorosaryo? Sa panahon niyo po Lola, ganiyan rin ba ang gingawa ninyo at sa kasuotan din po ninyo ay matataas na saya po ba ang sinusuot ninyo ?
Ang mga kababaihan kasi noong unang panahon apo ay maihahalintulad natin kay Maria Clara na hindi makabasag pinggan. Ang kaniyang mga galaw ay isang binibini na sobrang mahinhin, pormal o disente, masunurin at may respeto kaya sila ay nasa bahay lamang gumagawa ng mga gawaing bahay, nagsasaulo sa mga dadasalin at nagrorosaryo.
Ano po pala ang mga katangian na dapat mayroon ang mga kababaihan noon Lola? Malaki po ba ang pinagkaiba nito sa kasalukuyan Lola?
Ang mga ina ay siyang nagtuturo sa mga anak ng pagdadasal at nag-aalaaga sa mga ito. Sobrang mainit sa mata ng lipunan ang mga kababaihan noon dahil konting pagkakamali ay isang malaking bagay o isyu para sa kanila. Mas mabuti apo na basahin mo ang sulat ni Rizal para sa mga kababaihan ng Malolos dahil isinalaysay niya talaga ang tunay na pangyayari na kaniyang napansin lalo na sa mga kababaihan na hindi lamang dapat nakatago sa bahay at ibinubuhos ang sarili sa pagdadasal.