Kabanata 33

Kabanata 33
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Nasa panig niyo ako.
  • Nitroglisirina
  • Nagkulong si Simoun sa kanyang silid.  Wala raw dapat tanggapin kundi si Basilio.  Dumating ang binata.  Pinatuloy siya sa utusan.  Kay laki ng ipinagbago ni Basilio.  Payat na payat, gusot ang buhok at walang ayos ang pananamit.  Wala ang dating kaamuan sa kanyang mga mata.  Matalim na ang mga iyon.  Para siyang bangkay na nabuhay.  Maging si Simoun ay nagulumihan sa anyo ng kababayan. Sinabi ni Basilio kay Simoun na siya ay naging masama na anak at kapatid na nilimot niya ang pagkapatay ng kapatid kaya siya ay pinarusahan ng Diyos.  Siya ngayon ay nakahanda ng gumanti ng sama-sama.  Sinabi niya na ang pag-iwas niya sa gulo na tulad ng pakikiisa kay Simoun ay nagbunga lamang ng kanyang pagkabilanggo.  Sasanib na raw siya kay Simoun.
  • Noon lamang nagsalita si Simoun.  Nasa sa panig daw pala niyang talaga ang katwiran.  Ang kanyang usapin ay siyang usapin ng mga sawimpalad na tulad ni Basilio. Tumindig si Basilio na maaliwalas na ang mukha.  Sinabi niyang matutuloy na ang himagsikan dahil hindi na siya nag-aatubili.  Sinabi ni Simoun na ang mga ating mapayapa at ayaw ng gulo ang siyang nagtulak sa kanya upang ipagtuloy ang kanyang mga balak.  Kung noon sana’y nagkatulungan na ang mga nasa mataas na lipunan at ang mga nasa ibaba ang gawain sana ay mapagkawanggawa at hindi madugo at buktot.  Sa mga imbi niya natagpuan ang kanyang mga katulong.   Kung sila man ay hindi makagawa ng makinis na estatuwa sapat nang simulan nila ang paglilok at bahala na ang mga susunod sa kanila.
  • Di maunawaan ni Basilio si Simoun.  Nagtuloy sila sa laboratoryo.  Sa mesa roon ay may isang kakaibang ilawan.  Ang pinakalalagyan ay anyong Granada, may bitak at naiino pa ang mga tila buto nito.  Tinanggal ni Simoun ang mitsa.  Bakal na may dalawang sentimetro ang kapal na sisidlan na may isang litrong gas.  Binuhusan ito ni Simoun ng likido.  Nabasa ni Basilio ang nakatitik sa lalagyan ng likido – nitroglisirina.
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art