G6Q3_AP Filipino Project
Updated: 2/7/2021
G6Q3_AP Filipino Project

Storyboard Text

  • Habang nasa klase ng AP...
  • Buti na lang hindi ako ang tinawag..
  • Aless, maaari mo bang ibahagi ang iyong pagkakaintindi sa mga naganap noong sinakop ng mga Amerikano ang bansa?
  • Sige po Cher. Eto po ang aking pagkakaintindi sa ating mga aralin.
  • Digmaang Pilipino-Amerikano
  • Tumayo at nagtungo si Aless sa harap ng klase..
  • Nagkaroon ng labanan sa Look ng Maynila at isa sa mga dahilan ay nangialam ang USA sa bansang kolonyal ng Espanya na Cuba.
  • Sa Kasunduan sa Paris ay ibinenta ng Espanya ang Pilipinas sa mga Amerikano sa halagang 20 milyong dolyar.
  • Nagkaroon ng iba't ibang labanan noong panahon na iyon. Halimbawa ay ang labanan sa Balangiga at Tirad Pass.
  • Pagbabago sa Kulturang Pilipino
  • Nagkaroon ng pagkakataong makapag aral ang lahat dahil sa sistemang demokrasya.
  • Isa din sa mga layunin ay ang pagtuturo ng wikang Ingles sa mga estudyante.
  • Nakapagpatayo ng mga paaralang Elementarya at Sekundarya noong panahon ng mga Amerikano.
  • Iba Pang Pagbabago sa Kulturang Pilipino
  • Nakapagtayo tayo ng mga klinila at ospital sa ating bayan.
  • Naglathala tayo ng mga pahayagan upang tayo ay makasunod sa mga nangyayari.
  • Umunlad ang ating transportasyon at nagkaroon tayo ng mga riles at kotse.
  • Mga Pagbabago sa Pamahalaan at Ekonomiya
  • Sa ilalim ng National Economic Protectionism Association (NEPA), pinalaganap ang paggamit ng mga katutubong bagay.
  • Nagkaroon ng iba't ibang uri ng patakarang pamahalaan noon. Eto ay ang Pasipikasyon at Ko-Optasyon.
  • Sa panahong ito ay ginawa at isinulat ang Saligang Batas ng 1935.
  • Pamahalaang Komonwelt
  • Itinatag ang pamahalaang Komonwelt upang maihanda ang bansa sa ganap na pagsasarili nito
  • Ang unang batas na ipinatupad noong Pamahalaang Komonwelt ay ang pagtataguyod ng Tanggulang Pambansa
  • Isa pang layunin nito ay upang ang mga Pilipino ay masanay sa sariling pamamahala.
  • Magaling, Aless! Sigurado akong maraming natutunan ang iyong mga kaklase.
  • WAKAS