Magandang araw mga guro at kamag-aral. Ako nga pala si Biyaya Quintinta, labing walong taong gulang. Ako ay nakatira sa simbahan dahil pastor ang aking ama.
Ako ay nagtapos ng SHS sa PTS College & Advanced Studes at kasalukuyang nag-aaral sa DLSU-D sa kursong AB Political Science.
Pangarap kong makapagtapos ng pag-aaral upang masuklian ko ang aking mga magulang sa lahat ng mga sakripisyo nila para sa akin.
Mahilig ako sa musika, umawit, sumayaw, umarte, at tumugtog ng gitara kaya naman ginagamit ko ang aking talento sa paglilingkod sa Panginoon.
Hilig ko den ang manuod ng korean dramas gaya ng Penthouse,Mr. Queen, at Itaewon
Sa kabila ng pandemya ako ay magsisikap upang maabot ko ang aking pangarap na maging isang abogada balang araw.