Unknown Story

Unknown Story

Storyboard Text

  • Si Juan ay isang tanyag at kilalang pintor.
  • Isang araw, siya ay kinontrata ng isang kilalang tao upang ipinta nito ang maganda nitong kaanyuan sa isang magandang pintahan.
  • Pinapuwesto na ni Juan ang kilalang tao upang masimulan na niya ang pagpipinta ng kaanyuan nito.
  • Habang nagpipinta si Juan, hindi maikakaila ang taglay nitong kahusayan sa pagpipinta. Tila ba pag pinagmasdan mo ang tunay na pinaggayahan at ang larawan na ipinipinta ay hindi mo mapapansin ang pagkakaiba ng dalawang ito.
  • Lumipas ang ilang oras at natapos na nga ni Juan ang pagpipinta. Nang bigla siyang may napansing kakaiba sa kaniyang ginawa. Napaisip bigla si Juan na para bang may kulang pa sa kaniyang ginawa. Kaya naman dinagdagan pa nito ng kung ano-ano ang larawan.
  • Sa sobrang daming ginawang pagbabago ni Juan sa larawang kaniyang natapos, ang kaanyuan ng taong kaniyang ipininta ay halos maging kamukha na ng isang tikbalang. Dahil sa hindi pagiging kuntento ni Juan, ang kaniyang ginawa na dapat maganda na, ay nauwi pa sa kapangitan.
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family