Paglalayag sa Puso ng Isang Bata

Paglalayag sa Puso ng Isang Bata
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

Isang araw, naigunita ng guro ang pagsasamang namuo sa kanila ng kanyang naging estudyante. Tandang-tanda pa niya ang itsura ng kanyang naging estudyante. Para sa guro, mananatiling isang batang lalaking may kaitiman,kaliitan at walong taong gulang. Nabanggit pa ng guro na ang bata ay ang pinakamaliit sa klase at isa sa pinakapangit. Ito ay mayroong bilog at pipis na ilong at kahit ang kanyang pananalita ay mayroon siyang kakatuwang punto na nagpapakilala na siya’y taga-ibang pook. Marahil binata o ama na siya ng isang mag-anak. Ang estudyanteng kanyang inaalala ay ang estudyanteng naging kanyang guro at siya’y natuto dito. Nagpapahuli siyang umuwi upang tumulong mag-linis at umuwi ay lilingon muna siya sa guro at sasabihing, “Good Bye Teacher”. Ang batang ito ay ang pinakamasipag sa klase dahil ito ay may kusang-loob sa paglilinis. Sa gawi niyang iyon ay lihim niya itong pinagmamasdan. Pinagtakhan niya ang pagiging mapag-isa, pagiging tahimik at mahiyain ng batang yaon. Nang mapagdugtung-dugtong niya ang mga katotohan tungkol sa batang ito ay napagtanto niya : batang ulila ito na galing lalawigan na lumuwas sa malaking lungsod bilang isang utusan. Kalahating araw lamang ang ipinapasok nito upang may makasama sa pagpasok at sa pag-uwi ay kasama niya ang anak ng kanyang panginoon. Gusto ng gurong maranasan ng batang iyon ang maging masaya, makitang makipagtakbuhan sa mga bata at umakyat sa pook na ipinagbabawal. Pinaggawa ng guro ang bata katulad ng pagkuha ng kanyang tsinelas at pagbibili ng kanyang minindal sa tapat na tindahan hanggang sa hindi na kailangan sabihin kung ano ang dapat niyang bilhin at gawin. May namuong isang tahimik na ugnayan sa guro at sa bata. Naramdaman niya ang pagkakaroon niya ng malasakit sa bata. Nahuhuli na niya itong nakikipagtakbuhan, pagpapadulas sa mga pagitan ng mga hanay ng upuan at ang pag-akyat sa mga pook na ipinagbabawal. At ang kanyang, “Good Bye Teacher” ay tumataginting na. Lalo siyang naging malapit sa guro ngunit isang araw, mainit ang ulo ng guro at nagawa nito ang di inaasahan. Hindi na nito maalala kung ano ang kanyang ginawa sa bata upang ito’y ikanliit ng bata sa upuan nito. Nakaligtaan nito ang kalumbayan ng bata noon. Di nagpadulas ang bata samantalang ginawa ng bata ang kanyang ginagawiang gawin. Umalis ang bata nang hindi nagsasabi ng “Good Bye Teacher”. Tanong ng tanong ang guro sa sarili kung ano ba ang kanyang ginawa at poot sa kanya ang batang iyon. Nagulat ang guro at bumalik ang bata upang magsabi ng, “Good Bye Teacher” sa kanya. Isa lamang ang napagtanto ng guro, ang kanyang estudyante ay naging kanyang guro marahil dahil sa aral na kanyang nakuha, di sa labas na kaanyuan nakikita ang tunay na ugali.

Storyboard Text

  • papasok na ako sa eskuwelahan 
  • sige na ma upo kana
  • magandang umaga po maam
  • Ang batang ito ay ang pinakamasipag sa klase dahil ito ay may kusang-loob sa paglilinis. Sa gawi niyang iyon ay lihim niya itong pinagmamasdan
  • Nagpapahuli siyang umuwi upang tumulong mag-linis at umuwi ay lilingon muna siya sa guro at sasabihing, “Good Bye Teacher”.
  • sige. basta pagkatapos mo diyan ay umuwi kana
  •   teacher ako na po ang mag lilinis ng silid paaralan GOOD BYE PO!
Explore Our Articles and Examples

Business Resources

All Business ArticlesBusiness Templates

Film Resources

Film ResourcesVideo Marketing

Illustrated Guides

BusinessEducation
Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store