May isang babaeng nagngangalang Mathilde. Siya’y isa sa magaganda’t mapanghalinang babae.
Maaari ba kitang imbitahin?..
Pumayag siyang pakasal sa isang abang tagasulat sa Kagawaran ng Instruksyon Publiko sapagkat walang paraan upang siya’y makilala, panuyuan, bigyan ng dote, at pakasalan ng isang mayaman at tanyag na lalaki.
May magandang balita ako sa iyo.
Pangkaraniwan lamang ang mga isinusuot niyang damit dahil sa hindi niya kayang magsuot ng magagara. Hindi siya maligaya napaka-materyal na babae.
Gusto ko ng alahas at magarang damit na maaaring susuotin sa palasyo!
Isang araw, ang kaniyang asawa ay inimbitahan ng kaniyang amo sa isang espesyal na okasyon.
Sa pagkauwi ng kaniyang asawa, Kaagad niyang inabot ang sobreng may nakasulat na "Iniimbita ko kayo sa isang okasyon at idadaraos sa isang palasyo."
Sa halip na siya ay matuwa, siya ay nagdadabog sa pakiwaring wala siyang magandang damit at alahas na susuotin.