Ang Kwintas
Updated: 11/7/2020
Ang Kwintas

Storyboard Text

  • Nagulat si Mathilde sa kanyang nalaman, nagsisisi siya na hindi niya kinompronta si Madame Forestier nang mawala ang kwintas nito, kung sana lamang ay kanya itong sinabi hindi sila mababaon sa utang at hindi maghihirap tulad ng kanilang nararanasan.
  • Niyaya ng Ginang si Mathilde sa tahanan nito, nang sila'y makarating dito napag-usapan ng dalawa ang hirap na dinanas ni Mathilde, hindi niya napigilang maging emosyonal. Nahabag si Madame Forestier sa kwento ni Mathilde at hindi maiwasang makonsensya sa nangyari sa kaibigan.
  • Nakaisip ng paraan si Madame Forestier upang matulungan si Mathilde at upang makabawi na rin dito, sinabi niya ang plano kay Mathilde na maaari itong magtrabaho para sa kanya at sa kanyang asawa at siya'y seswelduhan nito upang mabayaran ang mga utang nila. Pumayag naman si Mathilde.
  • Binalita ito ni Mathilde sa kanyang asawa, natuwa ang kanyang asawa sapagkat sa wakas ay maaari na silang makaahon sa mga utang nila ngunit ito'y nalungkot din ng maikwento ni Mathilde ang tungkol sa kwintas. Kinabukasan ay nagsimula na silang magtrabaho sa mga Forestier.
  • Ilang buwan na ang nakalipas sa pagtatrabaho ng mag-asawa sa mga Forestier at nabayaran na nila Mathilde ang kanilang mga utang, laking pasasalamat nila sa mag-asawang Forestier sa pagtulong ng dalawa sa kanilang mag-asawa. Tinulungan din ng mga Forestier ang dalawa sa paghahanap ng maayos na trabaho.
  • Nagkaroon ng maayos na trabaho ang asawa ni Mathilde, masaya ang dalawa na sa wakas ay nakaahon na rin sila sa hirap. Kaya laking pasalamat ni Mathilde. masaya na siya at kuntento sa buhay na na mayroon siya.
Over 15 Million Storyboards Created
Storyboard That Family