ESP

ESP
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Sa kaniyang kwarto, tahimik na umiiyak si Edward, ayaw niyang may makarinig sa kanya at sa problemang kanyang pinagdaraanan.
  • Hindi naman ako ang gumawa, bakit ako ang napaparusahan?
  • Kinaumagahan, kinausap siya ng kanyang kapatid na si Maymay
  • Narinig kitang umiiyak kagabi, may problema ba?
  • Wala naman Ate May. Kaya ko naman to.
  • Ang hindi alam ng kanyang kapatid, may mabigat pala na problema si Edward
  • Hindi naman kasi ako ang gumawa n--
  • Hoy, anong ginagawa mo dito? Hindi kana pwede dito ah.
  • Bawal ang mga magnanakaw dito. Umalis kana.
  • Kinagabihan, pumunta siya sa kwarto ng kanyang kapatid upang mailabas ang kanyang mga saloobin.
  • Ate, hindi ko na kaya. Gusto ko ng mawala sa mundong ito. Inaakusahan nila ako sa pagnanakaw sa wallet ng kaklase ko ngunit hinding hindi ko iyon magagawa. Naniniwala ka naman siguro sa akin diba? alam mo namang hindi ko yun kayang gawin.
  • Hapon nuong PE kasi namin nun at pinapapunta kami ng aming guro sa gym. Ako ang nahuling lumabas dahil hinanap ko pa yung cellphone ko. Pagkatapos namin sa gym at pagbalik namin sa room, napansin ng isang kaklase ko na nawala ang wallet niya. Ako kaagad ang pinagbintangan niya dahil ako ang nahuli. Magmula noon wala nang pumapansin sa akin. Isang buwan na magmula ng insedenteng iyon, ako parin ang kanilang pinapagbintangan. Umabot na sa puntong binugbog ako dahil nasa akin daw ang wallet. Walang pumapansin at gustong makipagkaibigan na sa akin. Mas mabuti na lang na mamamatay na ako, wala namang malulungkot kung mawala man ako sa mundong ito. Gusto ko ng mamatay Ate May. Ayaw ko na.
  • Yan ang wag mong gagawin Edward. Ang buhay ay ipinagkatiwala ng Diyos sa tao na isang kayamanan na dapat pagyamanin at hindi linulustay kundi gamitin nang tama at mabuti.
  • Sige Ate, maraming salamat. Susubukan ko ulit na bumangon at lumaban.
More Storyboards By mary14751
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TPT Store