hello

hello

Storyboard Text

  • Noong mga kasama ko siya, ramdam kong totoo kami sa isa't isa. At alam kong hindi lang ako ang ganun.
  • Lahat ng samahan, tawanan, iyakan na pinagsaluhan naming dalawa. Lahat yun nagpapasalamat ako
  • Kapag magkasama kaming dalawa, masarap sa pakiramdam. Kahit alam kong dadating sa panahon na magkakagulo lahat, alam kong malalampasan namin yun nang magkasama
  • At kung ang isa naman samin ang nangangailangan, nandyan naman ang isa para sumalo.
  • Gusto ko ring maging tapat sayo .Mahalaga ka sakin at sobrang nagpapasalamat ako dun. Pero sana huwag mong masamain na hindi tayo parehas ng kalagayan, iba ang gusto ko
  • Walang kasiguraduhan na kaya niyang ibalik lahat, pero handa ako tanggapin kung ano lang ang meron.
  • Hindi ko kayang magsinungaling at itago ang aking nararamdaman, dahl alam kong totoo siya sakin. At gusto ko ako rin sa kanya
  • Hindi ko alam, pero parang mas panatag na ako ngayon. Hindi man natupad ayonn sa hiling ko. Masaya akong talakayin sa kanya ito.
  • Mas magaan pala sa loob kapag nangingibabaw ang katotohanan. Alam kong tapat ako sa kanya sa bawat oras na magkasama kami
  • Iginagalang kita sa nararamdaman mo at sa pagiging totoo mo pero sana galangin mo din desisyon ko
  • Hindi ko kayang magalit sayo. Kahit ano man mayroon sa atin, hanggang alam kong toto tayo sa isa't isa, sapat na yun
  • Ayaw ko sanang magbago ang lahat dahil dito. Bestfriends pa rin ah.
  • Ang katotohanan na parehas kaming klaro at totoo sa aming nararamdaman sa bawat isa ang mahalaga. Hindi ko kailanman matatakot magpakatotoo sa taong tooo sa akin.
  • Masaya ako na sa kabila ng pag amin ko at pagsabi ng katotohanan, hindi niya ako tinalikuran. Bilang kaibigan, hindi ako magkukulang sa kanya. Kahit anong mangyari magiging tapat at susuportahan ko siya.
Over 20 Million Storyboards Created
Storyboard That Family