paulita isagani

paulita isagani
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Kaya lamang ako nagpunta doon at pumayag na sumama kay Juanito ay upang makita ka.Ngunit halos hindi mo ako pinapansin.Tila napako ang iyong mga mata sa magagandang babae.
  • Sa halip na magpaliwanag si Paulita kay Isagani ay nagbago ang ihip ng hangin sapagkat nagkunwari ang dalaga na nagseselos.
  • Nagtawanan ang dalawa.Animo'y isang kabaliwanan sa kanila ang isiping si Pelaez naman ang susunod na bibiktimahin ni D. Victorina.Noon naisipan ni Isagani na ipagtapat ang tuanay na kalagayan ni D.Tiburcio kapalit ang pangakong ibinigay ni Paulita na hindi iyon malalaman ng tiyahin.
  • Ang aking tiya lamang ang may gusto kay Juanito.
  • Tila ibig niya itong mapangasawa.
  • Nadako ang kanilang pag-uusap tungkol sa lalawigan ni Isagani na napapaligiran ng bundok at nsa baybaying dagat.
  • Sa tuwing aking mamasdan ang kabundukan ay nakakaramdam ako ng kalayaan. Ilang libo mang lungsod ay hindi ko ipagpapalit ang aking bayan.
  • Totoong minamahal ko ito ng higit pa sa anumang bagay bago pa man kita nakilala.Nakakawili ang mga ginagawa kong paglilibot at pagsasaya sa piling ng kalikasan,ang aking pagtatampisaw sa dalampasigan.Bago pa kita nakilala ay iyon ang aking mundo....ang aking pag-ibig....Isang pangarap sa akin na makita ang ganap na kalayaan at kaunlaran ng aking bayan.At batid kong iyon ay magkakaroon ng katuparan sa malao't madali. 
  • Nakaramdam ng panibugho si Paulita kaya agad pinayapa ni Isagani ang kasintahan.
  • Kailan pa?Baka matanda na ako... 
  • Hindi mo ba alam na maari itong magawa sa loob lamang ng ilang taon? 
  • Darating din ang panahon na magkakaroon ng daang-bakal patungo sa aming lalawigan.
  • Hindi man maramdaman ni Paulita ang kagalakang nasa puso ni Isagani.Hindi nito lubos na maunawaan ang damdamin ng nobyo.Ang nasa isip ng dalaga ay ang mahirap na paglalakbay makarating lamang sa lalawigang tinutukoy ni Isagani.
  • Lilingapin tayo ng Espanya sapagkat araw-gabing kumikilos ang mga kabataan. Darating din ang katarungan sa atin para sa isang magandang kinabukasan.Totoong nabigo kaming mag-aral sa pagsusulong ng isang interes ngunit patuloy naman ang tagumpay ng ibang hanay.Nasa atin ang magandang hinaharap. 
  • Sinikap ni Isagani na himukin si Paulita tungkol sa pag-unlad ng bayan,ang maunlad na kalakalan,ang mga daungan at katulad ng mga bansa sa Europa ay kikilos din ang industriya sa Pilipinas.Kakalingain ang mga magsasaka at magkakaroon ng batas na pantay-pantay para sa lahat.
More Storyboards By mikssssssss
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class   •   Quick Rubric   •   abcBABYart   •   Storyboard That's TpT Store