Unknown Story

Unknown Story
  Copy


More Options: Make a Folding Card




Storyboard Description

This storyboard does not have a description.

Storyboard Text

  • Ang balita kay Tata Selo ay mabilis na kumalat sa bayan. Ang iba'y nabahag at ang iba'y nagkibit-balikat
  • Ang tinyente ng mga gwardya sibil ay hindi man lamang nabahala. Siya ay tumanaggap ng utos na samsamin ang lahat ng mga sandata. Siya ay tumupad sa kanyang tungkulin nang walang pasubali. 
  • Nagkibit-balikat din ang uldog na tagapangasiwa ng pari. Wala raw siyang kinalaman sa pangyayari at kagagawan iyon ng mga tulisan. Ginampanan lamang niya ang kanyang tungkulin.
  • Totoo ngang kung hindi siya nagsumbong, marahil ang mga baril ay hindi sinamsam at marahil si Kabesang Tales ay hindi nabihag ng mga tulisan. Siya, si Padre Clemente, ay nag-iingat lamang sapagkat ang matatalim na tingin ni Kabesang Tales ay tila naghahanap lamang ng patatamaang bahagi ng kanyang katawan. Ang pagsasanggalang sa sarili ay makatwiran o hindi masama. Hindi niya kasalanan kung may mga tulisan man.
  • Nang bumalik na sa sariling tahanan ang kabesa, nabatid niya ang sunud-sunod na kasawiang sinapit nilang mag-anak. Naragdagan pa ito ng tumanggap si Tales ng isang utos buhat sa hukuman sa pamamagitan ng tinyente sa nayon na kailangang alisan nila ng laman at lisanin ang kanilang bahay sa loob ng tatlong araw. Nanggigipuspos na napaupo na lamang sa tabi ng piping ama si Tales at hindi na halos nakapagsalita sa buong araw na iyon.
  • Nagkurus at nagpasalamat sa Diyos ang matandang manang sa pagkakadukot kay Kabesang Tales nang makalaya sa kasalanan ang anak at matuto ng kabanalan at kabaitan na ayon sa kura ay kailangang taglayin ng bawat babaing Kristiyano. Hindi niya pinadadalaw si Juli sa kanyang nuno nang matutuhan nito ang wastong pagdarasal, magbasa ng mga aklat na ipinamimigay ng mga pari, at maglingkod hanggang sa mabayaran ang dalawang daan limampung piso.
  • Akalain ninyong ang isang dalagang maari nang makipag-isang dibdib ay hindi pa marunong magdasal! Napakalaking kasalanan! 
  • Ang mga makasalanang kamag-anak ay ipinatutungkol ni Hermana Penchang kay Juli, sapagkat para sa kanya, ang dalaga ay sadyang nagkakasala
Explore Our Articles and Examples

Try Our Other Websites!

Photos for Class – Search for School-Safe, Creative Commons Photos (It Even Cites for You!)
Quick Rubric – Easily Make and Share Great-Looking Rubrics
abcBABYart – Create Custom Nursery Art