1.2.5 Ang Aking Alamat

Updated: 9/18/2021
1.2.5 Ang Aking Alamat

Storyboard Text

  • At bilang pangalawa, dapat malaking lupa rin ang makukuha ko!
  • Bilang panganay, saakin ang pinakamalaking parte sa lupain!
  • Ako ang paborito ni itay! Akin ang pinakamalaking lupa!
  • Mga ate akala ko pantay pantay tayo lahat?!!
  • Mga walang hiya! saakin dapat yon, ako ang palaging kasama ni inay bago siya mawala!
  • Ako ang paboritong anak, saakin dapat ang pinakamalaki!
  • Mga ate pakiusap kawawa ako bilang bunso!!!
  • Palibhasa kase kailanman hindi kayo napansin nila inay! kaya kayo ganyan
  • Tumigil ka dyan Alia. bilang panganay, susundin nyo ang nais ko!
  • Kahit magkamatayan tayo! saakin ang pinakamalaki dahil ako ang paborito ni papa!!
  • Pakiusap! magagalit si bathala sa atin kasama na ating mga magulang!!
  • At sino naman ang susunod sayo ha?!
  • Hindi ako papayag na sa isang katulad mo mapunta ang lupa na ito!
  • Mga wala kayong konsiderasyon!!!
  • Mga lapastangang magkakapatid! Mga sakim ay suwail! Wala kayong karapatan pamunuan ang lupain na ito! Isinusumpa ko sa oras na kayo ay mamatay, kayo ay maglalaho!
  • Noong unang panahon, may isang mag-asawa na masayang namumuhay sa mundo at sila ay may pitong anak. Pinangangasiwaan ng mag-asawa ang isang napakalawak na lupain. Ngunit ang mag-asawang ito ay magkasunod na namatay dahil sa malunhang sakit. Inihabilin ng mag-asawa sa pitong anak ang pangangasiwa sa naiwang lupain na di kalaunan ay pinag-awayan ng pitong magkakapatid.
  • Ate tulong!!!!
  • Ninanais ng panganay na si Sia na makakuha ng mas malaking parte ng lupa kesa sa kanyang mga kapatid. Ganoon na rin ang pangalawang anak na si Ika. Humigit dalawang oras na nag-talo talo ang magkakapatid. Sigawan ang tanging narinig sa kapaligiran. Walang nagawa ang mga nakakababatang mga kapatid kundi sumunod sa kagustuhan ng kanilang nakatatandang kapatid.
  • Patuloy pa rin sa pagtatalo ang magkakapatid hanggang sa di malamang dahilan ay biglang nagdilim ang kalangitan na tila hindi nagustuhan ang di pagkakasundo ng magkakapatid. bumuhos ang malakas na ulan. At may isang malakas na boses ang umagawng kanilang pansin. Agad nilang napagtanto na si Bathala pala ang nagsasalita. Sinabi nito na wala silang karapatan sa lupain dahil sila ay suwail at sakim.
  • Sa sobrang lakas ng ulan umapaw ang mga lawa at ilog sa lupain. Nagdulot ito ng pagkahiwa-hiwalay ng magkakapatid na di kalaunan ay isa-isa ring nalunod.
  • Ilang araw na naging mala-karagatan ang lupain hanggang sa unti-unting lumitaw ang mga malalaking pulo at archipelago. Ang mga ito ay para bang hinati hati sa pito. Ang bunga ng pag-aaway ng magkakapatid ay nagbunga ng pitong malalaking pulo at archipelago na di kalaunan ay nahati bilang mga kontinente.
  • Ang mga pangalan ng bawat kontinente ay hango sa pangalan ng mga magkakapatid: Ang Asya ang galling sa panganay na si Sia, ang Aprika ay sa pangalawa na si Ika, ang North Amerika para sa Pangatlo na si Amen, ang South Amerika kay Ames, ang Antartika ay kay Anta, ang Europe ay para Ope, at ang Australia ay kay Alia. Ang pangalan ng bawat kontinente ay ipinangalan base sa pagkakasunod ng edad ng mga magkakapati at sa pangalan ng isang sa mga magkakapatid na katapat sa bilang nito. Halimbawa ang Asya ang pinakamalaking kontinente sa mundo kaya ibinigay ito sa panganay na si Sia. At dito nagmula ang 7 kontinente ng mundo